Monday, March 10, 2008

- March 6 - 9 long story -

March 6, 2008 Thursday
It was a long journey that's why I decided to make it tagalog.

Miyerkules ay hinanda ko na lahat ang aking surpresa sa aking mahal na kaibigan. Gumawa ako ng video clip, ng kanta, at pagkatapos ng trabaho ko ay bumili ako ng "Stuff toy". Pagkauwi ko ng bahay ay tinapos ko ang kanta at inihanda ko ang regalo dahil kinabukasan ng huwebes ay magkikita kami.

Pag gising ko ng Huwebes excited ako na makita siya. Ako ay nakapam bihis na maayos pagdating ko sa opisina at handang handa na sa aming pagkikita. Umaga ay hindi pa siya nag ttext, pag dating nang tanghali ganun pa rin. At nang dumating ang dapit hapon ay bigla nyang Tinext na "pwd pu bng 2m nlng? my bcta kc kme d2 bhy.. mga rltves q.." Eh hindi ako pwede ng friday dahil pupunta ako ng Isabela para sa Field work!. Sabi ko sa kanya sa Sunday nalang kami magkita at pumayag naman siya. Medyo na sad ako nun at na dissapoint. Kasi dapat hindi nalang cya nangako diba?. Almost my officemates are dissapointed. Buti nalang they are there to cheer me up, they invited me sa Mcdo. So sumama nalang ako sa kanila. Kahit papano ay napawi ang lungkot ko.


Kapag uwi ko ay iniisip ko pa din, kung bakit nya ginagawa sa akin ang lahat ng ito?. Matapos kong maghanda at mag pa reserve. Hay.,, ewan ko basta mahal ko na eh , pero hindi pa todo.


March 7, 2008 Friday

Okay lang sa akin ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi naman ako nagalit, dahil wala naman akong karapatan. At kung may karapatan man ako ay hindi pa rin, sa dami ng pinagdaanan ko na relasyon ang pasensya ko ay humaba lalo. Kung magagalit ako ? may mabuti bang kahihinatnan? wala diba? kaya minabuti ko nalang na intindihin cya. Ayaw ko mag pa apekto sa ganun at simpleng babaw lang na dahilan.




Nang nasa office nko, ang naiwan lang dito ay kaming apat dahil nagpunta sila sa meeting, kaya nauna kaming kumain ng tanghalian.


Pagdating ng alauna ay naghanda na kami sa tawag ng aming boss, dahil susunduin kami sa lobby para umatend ng seminar sa EDSA SHANGRILA MAKATI regarding HUAWEI. Pagbaba namin sa lobby, ang tagal dumating ni Sir. Naghintay kami ng sampung minuto. Pagsakay namin ni Venz ako ang nasa harap ng REVO. Nakakatuwa nga eh dahil, inabutan lahat ng kamasalasan. Magpapagasulina dapat kami, sa dalawang gasoline station na pinuntahan namin lahat offline!, kamusta naman diba? eh malapit na kaming maubusan ng gasolina. So, Kumain muna kami sa PARES bago kami pumunta sa EDSA SHANGRILA. Ayun! at sa MAKATI pala meron hindi offline ung Fleet card ng PETRON. hahaha. Kaso natagalan kami dun mga 15minutes cguro. Pag dating namin sa Edsa Shagrila kala namin hindi pa nag uumpisa ung seminar, pagpasok namin sa loob. WOW! ang dami na palang tao. Kaya hiwa hiwalay tuloy kami ng upuan, pero magkalapit lang ng mesa.


The Seminar was boring, hahaha. Ang food at prizes lang naman inaabangan ko dun eh. Kaso sa prize kahit isa sa amin walang nanalo pero panalo naman sa pagkain, Hindi ako kumain ng marami dahil may byahe pa ako sa ISABELA..



Pagkatapos ng Seminar ay pauwi na kami at naabutan kami ng major traffic kaya ayun! picture picture muna ako. Hahaha.. Habang traffic sa kabilang dako naman ay naghihintay ang aming programmer na si DENNIS. Habang ka text ko cya ay Ka text ko naman si MARI ROSS JAN pagkatapos nun hindi na ako makapag send ng message dahil down ang GLOBE!.

Pagdating ko ng MEGAMALL ay nammroblema ako kung pano ko cya ma ttext at tatawagan si sir dennis. Buti nalang nandyan c TANJO. haha.. Nagkita kami ni Sir sa harap ng Jollibee after nun sumakayan na kami ng BUS at ng nasa Kamias na kami, kumain kami sa BINALOT. Well, the foood was okay but the service was not!.. haha ang tagal ng pagkain, tapos pinagbawalan pa ako maki charge ng cellfone ko!! grrr...

First time ko nakasakay sa VICTORY LINER. Ang sikip ng puwesto, hehehe. Although insured ka na kagad kaso di naging comfortable ung tulog ko sa BUS. Buti nalang dala ni Sir Dennis ung Laptop at Huawei. At ayun, nag Y.M. me sa mga friends ko at check lang naman ng Friendster.


March 8, 2008

Bandang 2:30 am nasa SANTA FE NUEVA VIZCAYA na kami, nag stop over dun ung BUS at nag kape muna kami ni Sir. Grabe ang lamig dun parang BAGUIO. Ang daming stop over ng Victory liner mga apat na beses.

Dumating kami ng CAUAYAN Isabela Brgy. Tagaran mga bandang 5:15 lumampas kasi kami sa destination namin at buti nalang may nakita kaming hotel "KINGSVILLE hotel" dun muna kami nagpalipas ng oras. Nakakatakot ung lugar dahil nasa liblib. Pagdating namin dun nakita namin kagad si manang at nagtanong kami kung magkano, sabi niya 600 daw. DUn muna kami tumuloy. Nakakadismaya lang dahil ang pangit ng loob, may aircon nga hindi naman gumagana, may shower nga hindi naman hot and cold tapos ung T.V. luma na.. Kaya nag LAPTOP nalang ako, surf sa net at soundtrip habang natutulog si Sir Dennis. Busy ako that time gumagawa ako ng friendster message para kay Mari Ross. Pagkatapos nun ay naligo na ako. Waaa... Ang lamig kaya ng tubig! pero kinaya ko.

Bandang 8:30 am ay nag check out na kami at pumunta na kami sa aming destinasyon. Dumating kami dun ng 8:45 at kami ay nag-agahan. Pagkatapos nun ay hinanap namin si Mr. Marwin at Ms. Jane. Kaso hindi pa dumating c Ms. Jane. Kaya nakipagkwentuhan muna kami kay Sir Marwin ung Technician. Dumating si Ms. Jane bandang 9:30 na. Tapos nun sinimulan na naming mag interface ng Machine sa Laptop. Madali naman naming natapos ung unang machine natagalan talaga kami sa KANE machine. Ang hindi ko makakalimutan sa ISABELA ay nang ihain sa amin ung BULALONG BUNGO ng BABOY. At first nandidiri ako. Pero nung natikman ko na WOW! ang sarap pala....


Umalis kami ng ISABELA bandang 6pm pero natagalan kami sa BUS STATION. Umalis ung BUS mga bandang 8:30pm pa. Papasok namin sa BUS kami palang tao. hahaha.. tapos nung umalis na, cguro mga nasa sampu lang kami ng pasahero kaya ang sarap ng puwesto ko at si Sir Dennis naman nasa isang upuan. Ang lamig sobra sa BUS, kaya dinaan ko nalang sa pag tulog. Naawa nga ako kay Sir Dennis eh, kasi wala siyang Jacket ang lamig sobra at ang lakasy nyang humilik.. hehehe..
MARCH 9, 2008 Sunday
Bandang 12:09 ay nag alarm cellfone ko, Birthday kasi ni JANINE. Inalarm ko talaga para batiin siya. Nag text ako at tinawagan . Pero hindi nya sagot tawag ko. Hay... Pag dating namin ng Santa Fe. dun na cya nag text na tawag uli ako. Eh ako naman si Tanga Tumawag naman. Sinagot nga, pero hindi ko cya marinig. Nasayang load ko pero hindi ako nanghihinayang kasi mahal ko eh!!!.
Dumating kami sa Manila mga 4:30 ng madaling araw, bumaba kami ni sir sa KAMUNING. Sumakay ako ng CAB pauwi. Pag dating ko sa bahay, bagsak talaga ako. Buti nalang may dala akong tupig para sa parents at sister ko. Pag gising ko tumawag kagad ako kay Janine para batiin cya tapos ask ko cya kung kelan ko bigay ung gift nya sabi nya ttext nalang daw nya me. Tapos binaba ko na kagad dahil alam kong pagod cya nun.
Nung araw na un umasa ako na ittxt nya ako at magkikita kami dahil un ang pangako nya. Umasa ako pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Kaya na sad ako. Tinext ko cya kinagabihan -->"Goodnight, I know u have bin so bc ds day.. Aq pagod din sa byahe, umuwi ako ng maaga para makabalik kagad d2 dahil umasa aq na mabbgay q ang gift ko sayo sa bday mo mismo. Nangako ka dn nung thursday na mgkkita tau sa sunday. Pero ndi nangyari. 2mwag aq kanina, ask q kung kelan q mbbgay gft q, sabi mo ttxt mko. naghntay ako sa wala"-- after ng 15 minutes cguro tumawag cya kaso tulog nko eh...


No comments:

Post a Comment