Sunday, April 13, 2008

I did it for the first time





Nakakainis! ang haba haba na ng pag ttype ko eh! eh biglang

hindi na save! kaya tinagalog ko nalang!..

April 12, I went to Robinson Nova Market to see another performance of Kitchie Nadal. I was there around 3:30 but the show haven't started.
Pumunta muna ako ng second floor at nag tataka ako kung bakit hindi ko makita si Ms. Roca kaya ang desisyon muna ako na bumaba at doon nalang ako maghintay malapit sa stage. Habang ako'y naghihintay nakita ko na si Miss Roca at ang suwerte ko dahil nakita nya ako at pinapasok nya ako sa loob kahit na hindi ako bumili ng CD, dahil meron na akong binili nung LISTER'S night.

Ayun, umupo muna ako sa harap habang naghihintay na mag start ung show. Grabe, nakakahiya dahil ako palang ung tao tapos parang pakiramdam ko V.I.P. ang turing skin.. hahahaha... Habang nakaupo ako lumapit skin si Miss Roca, tapos sabi ko para pong may kulang.. Walang emcee na nag vvoice over to invite na mag buy ng album ni Kitchie Nadal. Tapos bigla ba namang sabihin sa akin na. Ikaw nalang kaya mag emcee?. Why don't you try?. Tapos sabi ko "huh? ako po mag eemcee?". Tapos tumayo na siya para kunin ung MIC.. hahaha..
Kinabahan ako pero okay lang kasi another experience un for me.

She taught me kung ano ung mga sasabihin ko, tapos aun.. hahaha. gumawa ako ng script ng mga sasabihin ko at nasabi ko naman siya. Ayun! Emcee wanna be haha.. After the performance, Umuwi na ako at nag thank you ako kay Ms. Roca.Nag thank you din cya and she said na "You did it very well for your first time". Hay...










No comments:

Post a Comment