Wednesday, April 02, 2008

Panaginip

Ako'y hindi mapakali sa isang tabi,
Kung ano ano ang sinasabi.
Sa isip ko'y di ka mawaglit
Kulang nalang ikaw ay idikit.
Hindi ko maikubli sa aking sarili,
Kaya ko sinasabi.
Magsisi ng hindi sinasabi
ay hindi na muli.
Sa aking pagkakahimbing
Ayoko nang magising.
Dahil doon lang ako
Pwedeng gawin ang hindi totoo.
Sa panaginip ikaw ay makikita,
Mahahagkan at laging makakasama.
Lungkot ay sadyang mapapawi
lalo na siguro kung ikaw ay sasambit.
Sa ilang araw ng pagsasama ako'y
Naging masaya.
Panagip lang ba ang lahat
o katotohanan na may kahihinatnan.

No comments:

Post a Comment