Tuesday, May 13, 2008

project tadhana

Wala lang. Naisip ko lang, pero susubukan ko lang. Kung susuwertihin na may papatol at susuporta sa balak ko bakit hindi? masama ba mag baka sakali?.

Tadhana by kitchie nadal

- Ito ang kantang nababagay o nararapat sa mga nakaranas ng kabiguan lalo na sa Pag-ibig.

Nung una kong narinig ang kantang ito ay nabighani na ako, at dahan dahang naaalala ko ang mga sakit ng nakaraan. Kung nalalaman nyo lang ang mga pinagdaanan kong kabiguan ang hindi ko makalimutan at kahit papano ay may kirot pa rin ay nang iwan ako ng aking minamahal. Natural masakit talaga iwan ng taong mahal mo, lalo nat alam mo na parang wala ng katapusan ang kasiyahan nyo di ba ang saya nag pakiramdam pag nagmahal ka

Here it goes. This is my story!. May girlfriend ako dati, ang saya saya namin palagi walang katapusang kasayahan. Natatakot nga ako na baka isang araw iwan nalang nya ako, pero dko na inisip yun basta ang mahalaga sa akin ay masaya kami nung mga panahong yun.

Isang araw , napapansin ko na palagi siyang nahihilo at napapagod. Maputla lagi siya at mahina ang resistensya. Sabi ko mag pa check up siya. Pagkalipas ng ilang araw lumabas ang resulta ng checkup nya. Siya daw ay may SLE "Systemic lupus erythematosus". Sabi ng doctor malala na daw ung sakit nya, bakit daw hindi cya napapatingin simula nung naramdaman nya ung mga symptoms.

Nung nalaman ko yun, para akong unti unting kandilang nauupos. Sa tuwing kausap ko siya sa umaga mga apat na beses sa isang araw sa cellfone ko siya tinatawagan para lumakas ang loob nya at labanan nya sakit nya at para malaman nya na mahal na mahal ko siya.

Pinili nya na wag nalang magpagamot at pumunta siya ng BACOLOD para doon mahimlay. She died there. It was SUNDAY of November last year nagpapaalam na siya sa akin sa cellfone na di nya na kaya and she was crying that time. A couple of hour, her sister called me and she told me.. Jeff don't get shock, c gabbie nagpaalam na.. Ang masakit pa nun, I didn't get to see her when she died! wala ako ng mga panahong yun nang namatay siya..

Ganun talaga ang buhay. Pero atleast natuto nanaman ako!, hay.... sa ngayon masaya naman ako at nakapag move on na, I know masaya na sya sa taas.

-- Kaya naisipan kong gumawa ng MV ng tadhana, sa mga interesado kung paano nyo ako matutulungan ay maaring mag komento kayo sa ibaba. May storya na ako sa isip ko, matagal ko na ring pangarap na makagawa ng MV na tatatak sa puso ng mga manonood. Sa palagay ko itong kanta ni KITCHIE NADAL "tadhana"ay ang tamang kanta para sa naranasan ko. Sino kaya ang pwedeg gawing eeksena sa balak ko?. Isang babae lang at lalaki.

related blogs --> http://vilma77.multiply.com/journal/item/56/Review_and_lyrics_Tadhana_by_Kitchie_Nadal_

No comments:

Post a Comment