Tuesday, July 22, 2008

Panakip butas

Ano ba ang salitang panakip butas?. Sa pag-ibig ito ang sitwasyon na pakiramdam mo ay ginamit ka lang para makalimutan ang ang sakit na nararamdaman nya, para makapag move on.
Medyo magulo ba?. Halimbawa sa isang relasyon na nagkakalabuan na, hanggang dumating sa poin na nagkahiwalay na. Si babae hindi makalimutan ang nararamdaman nyang sakit, kaya isang araw naisipan nyang makipag date sa ibang lalaki. Lumipas ang ilang linggo dahan dahang napapalapit ang loob ni lalaki sa babae. Sinagot ni babae si lalaki at naging sila, Pero ang hindi alam ni lalaki na mahal pa rin ng babae ang nakaraan nya. Lumipas ang maraming buwan bago umamin si babae na mahal pa rin nya ang dati nyang nobyo. Iniwan ng babae si lalake ng makipagbalikan sa kanya ang dati nyang nobyo.

Masakit diba? ang gawin kang panakip butas.

Ito ang isa sa mga sitwasyon na tayo ay ginawang panakip butas lamang para makalimutan ng iba ang sakit ng kanilang nakaraan. Kawawa naman ang taong ginamit nila. Pero bakit nga bang maraming nangyayaring ganito?, ayon sa pagsusuri ko kapag ang isang tao na kakahiwalay lang sa isang relasyon o nagkakalabuan na at kung sino man ang napagpalagayan nya ng loob sa mga panahong iyon ay may malaking posibilidad na maging sila or magka developan. Dahil naramdaman nila ang comfort nung oras na lito, bigo, at hindi alam ang gagawin. Kaya marami ring nag ttake advantage sa mga ganitong sitwasyon. Pero mag-ingat ang mga nag ttake advantage, dahil 40% lamang dito ang mga naging successful ang relasyon matapos nilang kunin ang loob so meaning 60% ang nakaranas ng kabiguan ng panakip butas.

Masakit ang maging panakip butas lalo na kung mahal na mahal mo siya, pero para sa nang iwan sayo ay madali ka lang iwan ng ganun ganun nalang... Well, marahil nagpapasalamat pa siya dahil nkapag move on siya ng dahil sayo, Pero Kawawa ka naman diba? pero wala ka ng magagawa.

6 comments:

  1. ...tama, di ka kelangan gumamit ng ibang tao para gawin panakip butas, kawawa naman! sarili mo na lang gawin panakip butas bwahahaha...wala lang! me masabi lang

    ReplyDelete
  2. uu dre "may tama ka".... dumaan at naramdaman ko rin yan.... it hurts you know!!!

    ReplyDelete
  3. hmmmm hirap na sitwasyon nyan..nanggaling din ako sa failed relationship and i found another partner,ang tanong lang nmn is san ka sa taong nagkulang sayo or nagpuno ng pagkukulang ng isa? kelangan mo lang iset ang mind mo para maiwasan ang panggagamit or panakip butas na yan na kahit bumalik pa ang ex mo hndi mo babalikan,like nung nangyari sken sa ex ko ngyon pa nya ko babalikan at ooferan ng ksal after hurting me hmmm khit nghahabol ako sa oras dahil maeexpired nko (heheh) di bale nlng po, kesa ulit ulitin nya ang pangloloko na ginawa nya sken.
    just need to take time to test yourself para hndi ka makasakit at masaktan ng ibang tao.

    ReplyDelete
  4. Nagawa ko na rin sa dati kong ka-relasyon yan pero hindi ako nanggamit ng ibng tao kundi humingi lang ako ng tulong dahil yun nga gusto ko mkpg-move on ska hindi naman nging kmi ng kaibigan ko coz alam nya nsktan ako kya tinulungan nya lang ako dpende pa rin sa sitwasyon kung san ptutunguhan ang term na "Panalip Butas". =P

    ReplyDelete
  5. parang di ko alam kung ako ang ginagawang panakip butas o sya ang panakip butas ko...magulo pag higit sa isa ang mahal mo.pero salamat at nabasa ko ang post na ito.:)

    ReplyDelete
  6. guyz favor naman! i'm looking for a sex scandal title BUTAS it has music background panakip butas.
    if you find it please feel free email me at ramknight123@yahoo.com
    thanks you.

    ReplyDelete