Tuesday, July 15, 2008

Sa mahal ng pamasahe!


Ang ganda ng umaga ko dahil medyo malamig at masarap ang aking pag kakahimbing mula sa aking pagbangon.
Naghahanda na para pumasok sa trabaho.

Pagbaba ko ng Tricycle ay nakita ko ang Bus na KELLEN, sa una ay nagdadalawang isip ako kung mag OORDINARY bus nalang ako. Pero sumakay pa rin ako para malamang ko ang difference ng pamasahe noon at ngayon.

Nang aktong sisingilin na ako ng konduktor ay nagtanong ako kung magkano pamasahe papuntang ORTIGAS.
Hindi pa nya kabisado ang bagong TARIPA. Kaya nilabas nya ito at binilang. Ngayon ko lang nalaman na mula NORTH FAIRVIEW hanggang ORTIGAS ay labing siyam na kilometro pala ang layo nito 19KM. Nang sabihin nya sa akin ang halaga ng aking pamasahe. Ako ay nagulat at nagulantang dahil sa taas nito. Noon 30 pesos lang ang pamasahe ko! ngayon 42 pesos na. Kakagulat diba?. Twelve pesos ang halaga ng itinaas.

Sa mahal ng pamasahe ngayon, dapat talagang magtipid. 28pesos + 42pesos = 70 pesos * 2 back and forth total of 140 pesos everyday ko! hindi pa kasama ang pananghaliaan ko dyan ah!. Sa liit ng suweldo sa aking pinagttrabahuhan. Malamang taghirap na ang aabutin ko nito. Sana nga ngayong araw ay maramdaman na namin ang pagtaas ng sahod sa lahat ng antas! ung bente pesos ba yun?. Isama mo na rito ang paglagda ni pangulong ARROYO ng "Tax exemption for minimum-wage earners" ewan ko kung ang mga ito ay magiging epektibo na. Mamaya ko lang malalaman ito pagka sahod ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako, pero wala naman hahantungan kung magagalit ako diba? dahil hindi natin sila masisisi. Sa pagtaas ba naman ng langis sa WORLD MARKET. Buti nalang ay nakita ako at napangiti ako sa maliit na ads. na nakadikit sa upuan. Ayan --->>>>
Meron pang ibang naka paskil.hehe..
Ang ganda ng araw ko, sa bus ay wala akong magawa, hindi naman ako makatulog kaka isip sa kanya. Kaya ang ginawa ko lang ay mag picture ng mag picture. Kahit sa elevator hanggang sa lobby ay picture ako ng picture.. Haha!.


1 comment:

  1. I have gone through your blog & expect you too to go through my blog named
    "www.homoepathicdidi.blogspot.com"
    & do the necessary clicks on the ads on it. Thanking you-

    ReplyDelete