Wednesday, September 10, 2008

Its my day!

September 11 pala ngayon at isa ito sa mahalagang petsa sa pagkatao ko ito rin ang petsa kung saan nangyari ang pag atake ng terorista sa WORLD TRADE CENTER 9/11, Septyembre 11 dahil sa petsang ito ako pinanganak. Happy Birthday to me!. Ang tanda ko na 25 years old na ako at wala paring naiipon para sa kinabukasan ko. Buti nalang hindi pako nakakapag-asawa at salamat dun!. Ano kaya magiging buhay ko? kung nag asawa ako ng maaga ng wala sa plano?. Marahil aasa ako sa magulang ko? Haha! yan ang nangyayari sa karamihan, tulad nalang ng kapitbahay namin asa nalang sa magulang. Sorry ah!

Kanina nagising ako ng ala una ng madaling araw, Nagdasal muna ako ng taimtim para magpasalamat sa poong may kapal sa pinagkaloob nyang buhay sa akin. Salamat pala sa mga bumati na sa akin sa mama ko, sa friends ko sila Nova, Luz, Sharymar, Mafy, Prince, Best Cathy Yap and especially to someone. Haha!. Ayun pagkatapos nun natulog uli ako at nagising para pumasok. Same routine pa rin ako, naglakad pero this time di ako kagad nakasakay ng bus kaya ang sinakyan ko ay jeep muna bago ako nag bus. Pagkasakay ko ng bus ay tumawag ang isang friend ko, she greeted me.

Pagkababa ko ng bus ay dumaan muna ako sa EDSA SHRINE para magdasal. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa office at nag withdraw nang pera na nagkakahalaga ng 200 pesos, yun nalang ang natitira sa ATM ko eh!. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, kapag birthday ko maraming nagbibigay ng regalo sa akin pero ngaun wala na.

Pagpasok ko sa office nag testing muna ako ng server namin, at isang malas na pangyayari. Down ang server at hindi makapasok ang mga client namin sa program. Hayz.... Sana maging okay na.
Ngaun okay na as of 7:57 haha. At papunta na kami ng Binangonan.

3 comments:

  1. hep hep hep hurray!
    Hep Hep Hepi Birthday Jeff!!! Pakanton Ka naman...ahihihi
    Down Server? Word trade Center bombing? wala ka nahahalata Jeff???

    ReplyDelete
  2. babi birthday..wawa 200 me utang ka pa sa min gelai ha..dont 4get..

    ReplyDelete