Friday, September 19, 2008

Kitchie Nadal at Atchie's El Pueblo

Kahapon umuulan ng malakas, nagdadalawang isip ako kung tutuloy ako para manood ng gig ni kitchie nadal. Pero bago ang lahat ay kailangan ko munang kitain si Ate Vilma sa SM Megamall.

Pagkalabas ko ng Building ay umuulan na.
Kasama ko ang aking mga officemate sila Cherrylou at Susan Valdez. Kumain muna kami sa St. Francis.

Pagpunta ko ng SM MEGAMALL naghihintay na sila Ate V. at Ian sa akin.
Pinakilala nya sa akin si Ian. Ayun! tapos may contribution pala kami ng 100 sa regalo. Hehe. Nagulat ako dun!, pero ayos lang. Si Ate Vilma ang pangalawang nagsulat sa parang kuwaderno na naisip ni Ian na regalo ng listers para kay Kitchie. Pangatlo akong nagsulat. Hindi ko expected na magsusulat kaya sa haba haba ng naisulat ko ay hindi ko pa rin naipahayag lahat ng gusto kong sabihin dahil kulang na sa oras.

Papunta na kami sa Atchie's at nagbayad ng 200 entrance may libre siyang beer, pero pwede naman na ung beer ay maging ice tea. Pagpasok namin sa loob ay wala pang tao.

Nag opening act muna ang ARKO band.

Kaunti lang ang mga listers na pumunta, kaya kaunti lang din ang mga nakasulat sa regalo namin.

11:00 p.m. na nag start ung Gig eh at natapos ng bandang 1:15 a.m..

Nagpapasalamat ako sa regalo sa akin ni Ate Vilma. Thanks sa Bible ah!. Alam mo ba na matagal ko na gusto na may mag regalo sa akin ng Bible lalo na sa Birthday ko?. Wala lang.

No comments:

Post a Comment