Thursday, January 15, 2009

aNg aLaMaT Ng uNiPoRmE


Taong 2007 nang kami ay maitalaga dito sa pinag ttrabahuan namin, at sa paglipas ng panahon
ay mapapansin mo na lamang na ang mga suot mong damit ay pinagluma na ng panahon. May mga mangilan-ngilan ding kumpanya na nagpasa ng quoatation para sa halaga ng pag papagawa ng uniporme.

Sa pagkaka-alala ko sa nagdaang dalawang taon ay mahigit kumulang na tatlong kumpanya ng damit ang pumunta sa opisina namin. Subalit hindi pa rin na aprubahan ng tagapangasiwa nito, ang numerong unong dahilan ay ang presyo!?.

Nagpapasalamat kami kay Gel dahil isa siya sa dahilan kung bakit kami nagkaroon ng uniporme ngayong taon na ito, Siya ang naglakad at nag asikaso noong nakaraang taon at ngayon na dati'y ALAMAT lamang na uniporme ay nagkatotoo na. OO nga!? may uniporme na kami, dumaan din ito sa butas ng karayom siguro mga tatlong buwan na pag poproseso?. Astig no?, Pero atleast ang mahalaga ay may uniporme na kami. Hindi na kukupas ng madali ang mga nabili naming t-shirt noong pasko. Hehehe. Sa katunayan nga, nitong martes lamang ay dumating na siya.

Nakakatuwang isipin na may uniporme na kami. Dahil dati ang ALAMAT ay naging Katotohanan na.

1 comment:

  1. special mention pa ang name ko ahihihi.... nagpursige ako magkaron tau uniform bago man lang tau maging alamat din ng eurolink...bwahahahaha

    ReplyDelete