Sunday, March 29, 2009

A night with Kitchie Nadal - KNL2

Biyernes palang ay niyaya ko na ang dalawa kong kaibigan para pumunta at samahan ako sa Tapa's para sa magaganap na kaganapan ng LISTER'S NIGHT two ni Kitchie Nadal. Sa mga hindi nakakaalam sa listers night two, dito nagkakatipon tipon ang mga miyembro at taga hanga ni kitchie nadal ? tama ba?.hehe.

Umaga palang ay gising na ako para sumideline, haha! (relatives)Cavite at iba pang panig ng NCR. Habang nasa Cavite ako, naalala ko pala na KL night pala at hindi ko pa alam kung paano pumunta doon sa TAPA'S. Buti nalang naka online si Ate X, at ayun! di rin nya alam pa commute, so binigay nya sa aking ang number ni MAC. Tinext ko si Mac, at sinabi sa akin ung SHOPWISE sa STA. Cruz buti alam ko naman ung lugar.

Bandang ala una nang hapon ay nag text si rommel na malakas daw ang ulan sa EVER COMMONWEALTH at kasalukuyang kasama nya din si PRINCE. Sabi ko sa
sarili ko, naku mukhang hindi matutuloy ah, kapag hindi sila pumunta hindi narin ako tutuloy. Pagdating ng alas dos ay tinext ko uli sila kung tutuloy pa ba sila o hindi na ,para umuwi nalang din ako. Pag reply ni ROMMEL ay nasa MRT na daw sila. Ayun! kaya tuloy ang lakad namin sa TAPA'S MAKATI. Sumakay na din ako sa MRT nun at tinext nila ako na nasa SM MAKATI na raw sila at text text nalang kung saan magkikita. Pag dating ko ng SM MAKATI dun kami nagkita nakasalubong ko na sila at nag stroll muna kami sa GLORIETTA. Nagdadalawang isip pa nga ako nun kung tutuloy kami o hindi kasi pinakita ni Prince ung Movie passes nya ng RICH TO HIGH MOUNTAIN.. haha!. I called kathy sa cellfone nya kung nandun na ba siya at kung sino sino na ang nandoon. Sabi nya nag ppraktis pa lang sila, at mukhang di nya daw kakayanin ang song na FOOL. Pag baba ng phone medyo dalawang isip pa rin kung pupunta ako o hindi.
So ikot ikot muna hanggang makapag decide na pumunta na kami dun sa TAPA'S, nag cab kami dahil pagod na daw si rommel kakalakad.

Pagdating namin dun nakita ko na sila KATHY, ROM and the other LISTER'S. Pagbaba namin sa Taxi ay medyo shy pa kami kaya kunyari hindi kami papunta ng TAPA'S haha!
pumunta kami sa tindahan na malapit dun at nagpalipas muna ng oras at uminom ng tubig dahil sa init ng panahon. Nakita kami ni Loren at ni ate X ayun lumapit ako, at pinapasok. Actually hindi pa kami pumasok dahil nakakahiya talaga, hehe. Nakita ko si Kathy papunta sa pinto ayun pansinan at appear, alam nyo ba na yun lang ang time na nakausap ko sila in person? kasi ba naman nung unang listers ay wala talaga ako kakilala, tapos tsaka ko lang ni search mga name nila tapos dun na nakapag usap sa net. Nakita ko din si Kamille(tahimik), si mac(cool), sandy(kulit) at ung iba pa na ngaun ko lang din na kita.



Lumapit ako kay Ate X, kung ano ba ang
maitutulong namin.
Tumulong kami sa preparation kahit papaano, nagbuhat ng mesa, ng paso, ng upuan at iba pa. To
overcome shyness ng mga kabarkads ko, pinakilala ko sila. Register ng name, bayad ng registration fee 100php kasama na ung DINNER dun ah!.

Mag gagabi na at nagtanong ako kay ROM about sa CAMERA nyang CANON EOS 1000D. Pinahawak nya sa akin, ta
pos test ako ng mga shots. Hanngang dumating sa point na sa akin nya na pinahawakan ung CAMERA nya, kasi that time nag ppraktis din sila. Nasa akin na ang CAM, pero sa umpisa ay nahihirapan ako, tinuruan pa nga ako ni SANDY ng tamang hawak sa CAMERA eh.

Hanggang sa pagdating ni Ms. Kitchie hind
i ko kagad siya nakuhaan ng pic. sa pag register. Medyo unting Starstruck pa din ako sa kanya, kaya si ROm muna humawak ng camera. haha!

Its dinner time n
a, bumalik uli sa akin ang camera. Hanggang sa mag start na ang program sa pagkanta ng SPOLIARIUM ng isang fan (forgot ko name), hanggang sa pag kanta ni KATHY, na hindi ko iniiexpect na kakanta. Sayang ang FOOL na lyrics na pina research nya sa akin na nauwi sa SAY IT AGAIN., kumanta din pala siya ng LUCKY with Sandy. Naki operate din pala kami sa EARTH HOUR! in fairness ah! hehe..

So ayun na, ako ung naging photographer (naks! feeling) that night. Hanggang sa games, na si KITCHIE mismo ang nag isip. Umpisa na ng games at wala akong color sa team, dahil nga ako ang photographer. Ang kai
bigan kong si ROMMEL ay COLOR BLUE, ka team nya si KITCHIE, tapos medyo pagod na siya kaya sa akin nya binigay ung COLOR ban nya. haha!. So ka team ko na si KITCHIE NADAL, ayun! dun ko na siya nakausap, hehe.. Basta ang bait nya at kalog pa!. Matapos ng games at performance nila mac at loren. Picture picture na, na akala ko after nun. Uwian na! hehe. Yun pala may interview question pa pala. Alam nyo ba, na ung interview nahaluaan ng parang bible study! which is really good for us, habang nag sshare sila ng WORD OF GOD, talagang madadama mo sa kanila na galing sa puso ung sinasabi nila at bigla akong nakapag reflect sabi ko sa sarili ko "sila ang nagmulat sa aking kay GOD, THROUGH KITCHIE'S song, Miss Roca and ATE V". Then ginawa ko rin sa iba ang pag share". After nung interview uwian na!. Tapos nilapitan namin ni PRINCE si KITCHIE NADAL. At ito ung huli kong conversation sa kanya.

ME: wala bang LISTER'S night 3? or despedida?
KITCHIE: wala na eh, at ito na ung despedida?
ME: nakakabitin kasi eh
KITCHIE: bitin ba? eh parang antok na nga kayo?
ME: hehe. basta bitin. Thank you po then shake hands.

After din nun, nag thank you ako kay ROM! kasi imagine, that day lang kami nakapag usap in person! TAPOS ang laki ng trust nya sa akin ipahiram ang camera nya para mag take ako ng pictures!. Isa pa first time ko naka experience mag shot ng PROFESSIONAL CAMERA!!!!!. kaya ang saya!. to check the pictures kindly visit this page

http://greenbuko.multiply.com .

read this thread nalang..
http://launch.groups.yahoo.com/group/kitchienadal/message/24543



Lahat kami nag enjoy as in! although kahit kaunti lang ang pumuntang listers compare last year!. If I will compare this to lister's night 1? this is simply the best! kasi nagkaroon talaga kami ng bonding with kitchie nadal herself! and meet other people.

THANKS!
Kat, Kamille, Kathy, Rom, Mac, Pearl, Loren, Sandy, Miss Roca, Kitchie, Miss X,. Jay, sa kabarkads ko! WILL, MEL... and sa lahat ng listers!. Forgot ko ung ibang name na nandun eh..

Kay GOD for letting this event to happen.

1 comment: