Friday, April 24, 2009

Almost my end!

Nitong umaga lang! ikukuwento ko ang karanasan ko. Habang binabagtas ko ang meralco ave. at patawid nko papuntang shell. Nagulat nalamang ako ng biglang may dumaang sasakyan na mabilis ang takbo at lumiko ito ng pakanan! nag drift ito mula sa pagkakaliko nya at tumama ang headlight sa barrier at saka tumigil ito. Sa bilis ng pangyayari ay na shock ako ng bahagya! at napatunganga sa kotse na nabangga! . Naka earphone pa naman ako LEFT AND RIGHT EAR! at ang lakas pa ng MUSIC ko!. Buti nalang at bigla akong napatingin pakaliwa at namataan ko ang kotse kung hindi marahil ay nasagasaan ako ng rumaragasang kotseng iyon! at malamang nagkalasug lasug na ang katawan ko at nag aagaw buhay na ako. Akmang patawid na talaga ung isang paa ko nun na tila bagang may pumigil sa aking pagkakatawid!...

Hayz! naku bro, nag bibiro lang po ako sa shout out ko sa friendster nung linggo. Kasi ba naman ang shout outs ko nun ay "KUNIN MO NALANG AKO BRO". haha! ayun! biro lang po bro, kung kukunin mo man ako sana wag sa kalunos lunos na paraan. Gusto ko sa sakit mamatay! Hehe...
Huwag nyo po muna ako kunin! dahil magtatayo pa ako ng charity dito sa Pinas! 5 years from now!.

Dahil na rin siguro sa pagdadasal ko tuwing umaga ay naligtas ako at siguro hindi ko pa talaga oras. Ayoko! ayoko iwan si...... kilala mo na kung sino ka.


2 comments:

  1. ayyyyyyy.... afraid... pag mag so sounds ka lang pag naglalakad isang tenga lang para aware ung isa hehhehe keep on praying po... at wag na post sa shout out hhahahha... ate ako ba to?

    ReplyDelete
  2. naks!! well detailed ang mga pangyayari ah.. mabuti na lang at nakaligtas ka, is lang ibig sabihin nyan. di mo pa time dude. life's too short kaya let's enjoy every single moment of it, wag makalimot sa creator at itama ang pagkakamali habang may pagkakataon pa.. haha.. o diba? i serve sermon like a priest noh? este mudra pala. tc lage dude and pray. God's Speed!

    ReplyDelete