Wednesday, May 06, 2009

Sleepy

Pagkatapos aming Trip sa Anawangin ay dahan dahan kong nararamdaman ang pagod. Marahil siguro dala ito ng pagiging masaya at maligalig naming lahat noong nag camp kami. As in siguro ang pahinga lang namin ay sandali lang, tapos tawanan uli, stroll lakad, kuwentuhan, kantahan, tugtugan, kain ng pulutan at inuman. Bago kami pumunta ng ANAWANGIN ang tulog ko lang ay isang oras sa bahay tapos mga isang oras din lang sa BUS, pagkatapos kinagabihan nun ay 2:30 na kami nakatulog tapos nagising ng 6:00 am ng umaga para mag trek sa bundok at makita ang kagandahan ng ANAWANGIN COVE. Tapos bumaba sa bundok, ayun! asaran kulitan. Hindi ko talaga naramdaman ang pagod.

Nag-umpisa kong maramdaman ang pagod ng kaunti ay nung pauwi na. Hayz..... Tapos nung linggo hindi rin ako gaano nakapagpahinga kasi naglaba pa ako, Pero ayos lang;). Hanggang dumating ang lunes, Martes at ngayong Miyerkules ay inaantok pa din ako.

Kahapon nga pala kasabay ko si Kuya rhey pauwi, sa sobrang haba ng biyahe unti unti ko nararamdaman ang antok hanggang sa hindi kona matiis at nakatulog ako bandang CUBAO!. take note! nakasakay ako sa MOTOR!. hahaha. Buti nalang naka preno siya at tumama ang helmet ko sa helmet nya at nagising ako!

RHEY: Kaya pala nagtataka ako kung bakit hindi ka na gumagalaw dyan, Yun pala nakatulog kana. Buti nalang na pa preno ako.

Buti nalang talaga!.. hehe... Nung nagising na ako ay hindi na ako nakatulog uli.. Hehehe...

Hanggang ngayon inaantok ako!. Gusto ko nga mag LEAVE!! para makabawi ng lakas,at para magawa ko na ung DOKYU ko!

No comments:

Post a Comment