Wednesday, May 20, 2009

Thinking of you




Malapit na ang uwian, ilang oras nalang. Habang isunusulat ko ang blog na ito ay pinapakinggan ko ang musika ni Katty Perry, ung message ay hindi implied sa akin ah. Ung music lang the way it goes it makes me sad and think of many things. Nalulungkot ako dahil na mmiss ko siya, sino pa ba ang tinutukoy ko? eh di ang unang nagbabasa ng blog ko tuwing umaga. Alam ko binabasa nya ito ngayon, kasi nakaugalian nya na rin basahin ang blog ko. Hayz... Bakit ka ba lagi nasa isip ko? lungkot ang nadarama kapag hindi ka kasama. Kung ako lang sana ang masusunod, pwede bang maging puso mo nalang ako? o kaya anino? nang sa ganun ay lagi tayong magkasama saan ka man magpunta.

Bakit kita naiisip lagi?, dahil mahal kita mahal na mahal!. Sa kanya ko lang natagpuan ang kaligayahan ko ang tunay na pag-ibig na hinihintay ko. Kung mawawala ka sa buhay ko ay hindi ko alam ang gagawin ko, marahil ay ma pplasteran nanaman ang bagong sugat sa puso ko. Nakakasawa na rin kasing magsimula ng bagong pag-ibig matapos ang kabiguan, nakakapagod, nakakapagod talaga.

Isa lang ang masasabi ko sa ngayon, Sana ikaw na, ikaw na talaga, and I'm looking positive forward na someday just someday all the things that we want, will happen, sana hindi tayo sumuko at iwan kung ano man problema ang dumating sa ating dalawa. Hayz... It really just can't stop, I can't stop loving you like this and now I'm addicted to you (smile naman).
She's definitely my strength and totally will be my major weakness if I lose her.

Handa akong libutin ang lahat ng simbahan sa buong mundo para ipagdasal lamang ang..........

GOD.. Mahal na mahal ko siya, ikaw na po ang bahala. THANKS GOD.

No comments:

Post a Comment