Thursday, September 10, 2009

ang kaarawan ko..

10pm na hindi pa rin ako makatulog, bakit kaya?. Hindi naman ako gaano excited sa birthday ko no?. Marahil siguro excited dahil nag eexpect ako na maraming mag ggreet sa akin? kasi mas dumami friendships ko because of DIGBYHOLICS! o baka naman huling birthday ko na ito sa buhay ko?.

Sa facebook pinakaunang nag greet ay si ELY? ung ex ng friend ko na si Abraham, naku yari ako baka mabasa nya ito! lolz.
Aside siguro sa pagiging excited dahil madadagdagan nanaman ang age ko!? haha sino ba naman naging masaya madagdagan ang age? pero wag kayo! Hindi ako mukhang matanda ah. haha. para mukha akong batang elementary na kung makakasalubong nyo ay magugulat nalang kayo na 26 na pala ako.. Imagine 26 na ako? hayz... May sshare ako kung tuwing age ang pag-uusapan hindi ko makakalimutan ung time na I had lunch kay Marie Digby she guess my age, at alam nyo ba kung ano sabi nya? I look 19 daw!? .. haha. Nag blush ako nun ah. Then I told her na we have the same age.
Wait wait tumunog cellfone ko, pagtingin ko text ni susan! hayz sui! siguro nakainom ka nanaman?. hehe may pa I LUBYU LUBYU ka pa ah.. hehe ang Cheesy. Thank you.

Nasan na ba ako?. Ito hindi pa rin makatulog at hinihintay ang tawag ng isang malapit sa puso ko, haha.. KIlala mo na kung sino ka! pero sa palagay ko wala na akong hinihintay na tawag sa ngayon dahil basta...

Nalulungkot ako na masaya. Malungkot kasi isa lang ang gusto ko makasama bukas eh siyempre siya basta siya. Kung pahihintulutan man ng panginoon na mangyari iyon, ay magiging masaya talaga ang kaarawan ko. Pero huwag na ako umasa dahil suntok sa buwan kung mangyari man ako.. OoopppSss!! nagiging emo nanaman ako EMOTIONAL!. Tama na muna ito dahil baka magkaiyan na tayo. Haha.. Pero sana she spend time with me tom.. or else.. haha! wag na I won't dare nalang I'll just do it.

Buwisit naubusan pa ng load ang SMART BRO ko. Hayz.. hindi ko na tuloy malaman ang updates sa mga TWEETER friends ko. Kay AYES! Happy trip tom. Ingat kayo papuntang HONG KONG and kamusta mo ako kay KELLY HEUNG ah dapat may pics. kayong dalawa. Si Ayes nga pala siya ung ka Admin ko sa website naming DIGBYHOLICS.com try nyo siya visit.

Isa pa palang hihintayin ko ay ang greetings galing kay MARIE DIGBY! I hope she won't forget my birthday. ;). SO ayun muna mga guys! sige tulog na ako.

No comments:

Post a Comment