Saturday, October 10, 2009

angel has flown away from me




I'm letting you to know this guys of what happened to me. Bukod sa friends ko, ito lang ang outlet ko. Wala akong motibo dito para kaawaan ako ng babaeng tinutukoy ko. Gusto ko lang ilabas ang sama ng damdamin ko. Nakakatawa ung video ko pero, hindi nakakatawa ang nangyari sa akin.

Sobra ako magmahal at palagi kong nakakalimutan magtira para sa sarili ko.
Gustuhin ko man umiyak ay hindi na talaga, dahil ayoko na aksayahin pa ang luha ko sa isang babaeng ginamit o niloko lang ako. Kagabi nagkita kami sa SM MEGAMALL, pagkita namain after 4 months ay parang wala lang, parang okay lang kami pero hindi talaga okay. She gave me a Girbaud wallet regalo nya daw sa birthday ko. Gusto ko nga sabihin sa kanya na, Ikaw ang kelangan ko hindi ang regalong ito.

Nang nasa taxi na kami, nag-usap kami. Tanong ko sa kanya, SIGURADO KA NA BA SA DESISYON MO? biglang hindi siya nakasagot sabay sabi na di ko alam. Ito na ang panahon, Alam nyo gusto ko sabihin sa inyo at ilahad ang buong detalye ng love story ko pero masyado pang fresh for me. Siguro kapag nag resign na me dun ko i ppost lahat. Sinabi ko sa kanya na I can't move on hannga't nandito ako sa work ko, lagi kasi ko siyang nakikita sa YM, laging merong maraming nagpapaalala sa akin ng mga happy memories namin sa MEGAMALL, GATEWAY, TRINOMA, TAGAYTAY, BAGUIO, CALERUEGA, PINK SISTER at iba pa. Masakit sa akin pero kailangang tanggapin, ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit kelangan mangyari sa akin ito. Feeling ko ginamit lang ako habang nang mga panahong iyong hiwalay sila ay ako ang naging panakip butas, pero in some way nadama ko naman ang pagmamahal nya pero mas matindi nga lang ung sa akin. Tinanong ko kung nagkabalikan na sila, sabi nya OO. Tapos sabi ko, eh di niloloko mo lang pala ako?. hindi siya makapagsalita nun habang nasa pilahan kami ng taxi. Sabay may nag text sa kanya ung lalaki, at sabing "PAPATAYIN KITA". Kasi ung lalaki nag ffreak out na.. Nang mabasa ko un, sabi ko sa kanya "YAN BA UNG BABALIKAN MO?.". Hindi pa rin siya umiimik sa akin. Tapos sabi ko sa kanya, diba ako ung pinili mo? bakit ngayon iba na?..

Sa pitong buwan naming relasyon, tatlong buwan ko lang naramdaman ng todo ang pagmamahal nya. After thre months, unti unti na siyang naging cold sa akin. Inuunti unti nya ako.

Sabi nya marami siyang kinonsider na things. Okay nandun na tayo. Ako din madami kinonsider. I ask her kung masaya na siya sa pkikipagbalikan nya dun sa lalaki at ang sabi nya "MINSAN".

Ang dami nyo nang clue, pero alam ko naguguluhan kayo. Kasi ako naguguluhan din eh!. So balik tayo sa TAXI, niyakap ko siya pero parang umiwas siya sa akin na parang diring diri. I took our pic for the last time. I initiated to throw my cellfone, simcard outside. Niloko lang talaga ako, at hindi nya ako kayang ipagtanggol. Mas mahal nga lang nya siguro ung lalaking iyon. Pero from the very start pa lang ng kanilang pagsasama ay masama na eh. Nang pababa na ako sa TAXI ay iniwan ko ang singsing sa upuan, un ung RING na binili namin sa BAGUIO. At nung nasa Jeep na ako, tinext ko siya ng "YOU'LL NEVER SEE ME AGAIN".

Tuliro ako nun, at pagsakay ko ng bus unti unti nanaman pumapatak ang luha ko. Habang tina type ko ang blog na ito ay hindi ko mapigilang umiyak. Mahal ko talaga siya pero sana makapag move na ako, I can't let her go pero gagawin ko kasi yun ang gusto niya at dahil mahal ko siya.

I feel shattered into pieces hindi ko alam kung sino ang pupulot sa akin para gawing buo uli ako. Iniwan ako sa ere at binitawan ng basta basta nalang.

Lahat ng pagmamahal ko ibinigay ko sa kanya, kahit alam kong nag mumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Sakripisyo na nauwi lang sa lahat, lahat ng inivest ko na kahit kalahati man lang ng pagmamahal ay hindi nya na kayang ibalik. Ganun pala yun no?, mapapagod at mapapagod ka rin lalo na kung ikaw nalang ang lumalaban para sa inyo at hindi na kayong dalawa.

Alam ko makakaya ko rin ito at matatagpuan ang babaeng para sa akin. At hanggang mahal ko siya kung babalik man siya sa akin ay tatanggapin ko siya ng buong buo hangga't wala pa akong minamahal na iba.

In our relationship, naging masaya ako kahit papaano. Well, its her lost not mine. I don't wanna see her forever.


MAHAL KITA, MINAHAL LANG TALAGA KITA.

IN POSITIVE WAY: I KNOW GOD HAS A REASON FOR THIS, kung ginawa nya akong instrumento para mabuo uli sila kahit masakit sa akin ay wala na akong magagawa pa kundi tanggapin nalang.

2 comments:

  1. hays... tama everything has a reason.. ok...move on rock on

    ReplyDelete
  2. waahhhh! parang dejavu sa akin ang story mo dre, naiiyak ako! sheeet! ganyan talaga pag mahal mo kahit ikaw na lang ang masaktan para sa kanyang ikaliligaya at ikapapanatag ng loob... yaan mo madami pa jan at meron talaga para sau na to pick up the pieces and become whole again.

    ReplyDelete