Wednesday, November 04, 2009

A family bonding








Bawat darating ang Undas ay nakiugalian na naming pumunta sa Libingan ng mga Bayani para dalawin ang aming lolo na namayapa noong April 30, 1993. Isa siyang Kapitan ng USAFFE at nakipaglaban sa gyera laban sa mga hapon. Nitong nakaraan lamang na lunes ay hindi ko akalain na maraming sasama para dalawin siya. Kung mapapansin nyo sa video ay puno ang jeep na sinasakyan namin. Sabi nga ng isang army security sa gate (overloading na kayo ah), pero hinayaan lang nya kami.. Hehe. Parang Christmas event ang nangyari sa amin pagdating namin sa bahay! ang pinsan naming sila Kelvin, Kim and Kathleen ay nakipag bonding sa amin sa loob ng 18 years, mga shy type kasi sila.. Hehe.. Nagkaroon ng simpleng kantahan ng oldies and new generation at himala akong nagpainom at nagpa PIZZA!!.


PHOTOS: http://coldsouljeff.multiply.com/photos/album/69/Libingan_ng_mga_Bayani_2009

No comments:

Post a Comment