Friday, April 24, 2009

Almost my end!

Nitong umaga lang! ikukuwento ko ang karanasan ko. Habang binabagtas ko ang meralco ave. at patawid nko papuntang shell. Nagulat nalamang ako ng biglang may dumaang sasakyan na mabilis ang takbo at lumiko ito ng pakanan! nag drift ito mula sa pagkakaliko nya at tumama ang headlight sa barrier at saka tumigil ito. Sa bilis ng pangyayari ay na shock ako ng bahagya! at napatunganga sa kotse na nabangga! . Naka earphone pa naman ako LEFT AND RIGHT EAR! at ang lakas pa ng MUSIC ko!. Buti nalang at bigla akong napatingin pakaliwa at namataan ko ang kotse kung hindi marahil ay nasagasaan ako ng rumaragasang kotseng iyon! at malamang nagkalasug lasug na ang katawan ko at nag aagaw buhay na ako. Akmang patawid na talaga ung isang paa ko nun na tila bagang may pumigil sa aking pagkakatawid!...

Hayz! naku bro, nag bibiro lang po ako sa shout out ko sa friendster nung linggo. Kasi ba naman ang shout outs ko nun ay "KUNIN MO NALANG AKO BRO". haha! ayun! biro lang po bro, kung kukunin mo man ako sana wag sa kalunos lunos na paraan. Gusto ko sa sakit mamatay! Hehe...
Huwag nyo po muna ako kunin! dahil magtatayo pa ako ng charity dito sa Pinas! 5 years from now!.

Dahil na rin siguro sa pagdadasal ko tuwing umaga ay naligtas ako at siguro hindi ko pa talaga oras. Ayoko! ayoko iwan si...... kilala mo na kung sino ka.


Wednesday, April 22, 2009

BLOG CRAZE!!

I started to blog last year January 2008 and my first entry was "NO INCREASE". That time I was expecting for a salary increase but unfortunately even a single cents no appraisal. From my first entry it grows and grows, until jonathan saw me making an entry for my next post and I knew from there he's going to make his own blog also and I'm absolutely right!. He made his first entry on Tuesday, March 25, 2008 "debut". Guess what? I was featured on his first entry. Haha..

The rest was history followed by GEL on JULY 2008, CHE on AUGUST 2008 and SUI.

Kaya guys! mag blog na kayo!

Friday, April 17, 2009

HAPPY BIRTHDAY MARIE!

We did it again Digbyholics :) Happy 26th Birthday to our favorite girl, youtube chiq, musician, song writer, misty's master, Marié Digby!! We wanted to say THANK YOU to everyone who participated. we never fail as a Digbyholic ayt? lol :)

credits are on the end part.. extra credits goes to :

Jaymie (xjmiex) - for the biography of Marié
Miyu - voice over
Jeff - clip of the highway at the beginning of the vid
Vince - for helping us out in Digbyholics.com

for more Marié Digby Updates check out : http://digbyholics.com

we love you guys. :)
Category: Music

Thursday, April 16, 2009

MARIE DIGBY FAN MULTIPLY - new layout

Naranasan kong mag-isa

No man is an Island ang sabi nila at totoo ito. Ang mga tao ay talagang naka depende na sa isa't-isa, as in you can't manage this all by yourself. Kaya nga ginawa ng DIYOS si EBA para kay ADAN dahil nalulungkot ito, kahit nga mga animals at ibang living organisms sa mundo natin ay kailangan ng kapareha, mapa kaibigan man lalaki o babae, mag ka girl friends or boy friends.

Kagabi isang kagimbal gimbal na pangyayari ang naranasan ko!. Naranasan kong mag-isa sa bahay, kasi po ang parents ko pati sister ko ay nag outing!. Ako lang mag-isa sa bahay, umalis sila ng bandang alas otso ng gabi. Medyo natatakot ako at nangangamba kasi may tendency na binabangungot ako at baka abutan nalang nila ako kinabukasan na isang malamig na bangkay.

Habang ginagawa ko ang FINALE BIRTHDAY surprise para kay Marie Digby, naramdaman ko lalo ang lungkot ng meron nag text sa akin. Nakakalungkot ung text nya, kaso hindi ko pwede ikuwento eh para suspense. Haha. Hindi ko maiwasan na mag-alala at malungkot sa nabasa kong text. Dahil sa hindi ko na kaya itago ang nararamdaman kong kalungkutan, I texted most of my friends to call me sa house or ako nalang call sa kanila para may ma ka kuwentuhan ako at ayun masabi ko problem ko. Sa hindi inaasahang pagkatataon kung sino pa ang hindi mo inaasahang makakausap mo, ay yun pa ang makakausap mo. I talked to my friend, parang kapatid ko na eh. Ayun! while playing the song din na "NOW" bigla nalang ako napaiyak. Sinabi ko ung problem ko sa kanya, pero hindi ganun ka detalyado kasi alam ko hindi nya labis na maiintindihan at mauunawaan ang problema na dinadala ko. Atleast kahit papaano ay naging okay naman ako, pero hindi pa rin nawawala ung upset feelings ko. Tapos namin mag-usap nakababad lang ako sa computer hanggang 2am ng madaling araw at gumising ng 3am dahil din sa sobrang init! kaya nag computer nanaman ako. Bago ako umalis nagdasal muna ako ng taimtim na palagi ko ginagawa. Dapat nga hindi ako papasok eh, kaso nandito ako para kay marie digby video.. haha . joke!...

MAHIRAP mag-isa!


Tuesday, April 14, 2009

Tagaytay Escapade

Isang Paglalakbay sa TAGAYTAY!

Nalaman ko na wala palang pasok ng April 6, 2009, Kaya napag isip isip ko kung saan puwedeng mag stay for three days and two nights sa isang lugar na malapit lang. Ang nasa isip ko ay Baguio at Tagaytay, pinaghambing ko ang dalawa at sa ilang araw na pagsisiyasat ay TAGAYTAY ang napili kong lugar. So umpisa na ang pag reresearch uli sa mga maaring magastos gaya ng pamasahe, stay sa hotel, food, at iba pa, mga puwedeng lugar na puntahan sa TAGAYTAY. March 24, nag research muna ako sa hotel na puwede kong matuluyan, at View park hotel ang napili ko dahil ito ay sa harap lamang ng PICNIC GROVE!. May kamahalan dito mga nasa 1,800 ang stay from 2pm to 12nn, may kasama na siyang breakfast.

Sumunod na siniyasa't ko ang mga lugar na puwedeng puntahan at ang mga napili ko ay
PICNIC GROVE
PEOPLE'S PARK IN THE SKY
CALERUEGA (CHURCH OF TRANSFIGURATION)
PINK SISTER'S CONVENT

Sa restaurant naman ay medyo may mga prospect pa lang
LESLIE'S
ANTONIO'S
RSM
Josephine Restaurant
VIEW SITE RESTO



While doing some research I texted the manager of VIEW PARK HOTEL para makapag pa reserve for APRIL 4, 2009 na date. Ito ung napili ko kasi sa harap lang ng picnic grove eh at sa picture parang maganda ung place at ung rooms. Nag reply naman siya to confirm my reservation.
Pagkatapos mag pa reserved research pa rin ako sa mga place how to get there, nagbasa ako ng mga THREAD SA FORUM para maka get ng informations sa mga story din ng mga ibang nakapunta na sa TAGAYTAY, some experiences din nila. Nag download din ako ng map para ma familiarize din ako dito ang ma imagine ko ung lugar na pupuntahan ko. Download din ako ng mga picture place na pupuntahan ko.

After getting all the necessary informations, Its time to make an Iterinary. For me kasi malaki ang tulong ng iterinary eh, dito kasi nakasaad ung time, place, estimated budget, mga gagawin and things to bring. In short ito ung plan or time frame para hindi masayang ung mga oras, kasi baka pag dating nyo sa isang lugar nakatunganga lang kayo eh nung nasa manila kayo ang dami nyong plans na gawin. Hindi ako sanay na walang iterinary kapag maglalakbay ako, nakuha ko itong strategy na ito sa kabarkads ko last year! and its very helpful.

Day 1 (Saturday)
Handa na ang lahat ng kailangan ko, umalis ako ng bahay bandang 4:55 am. Siya nga pala merong apat na way papuntang TAGAYTAY kung mag co commute ka at ito ung mga alam kong way

-CUBAO BUS TERMINAL (harap ng alimall) sign board (TAGAYTAY. OLIvAREZ. MENDEZ) every hour ang biyahe starting from 6am 10pm
-STAR MALL
-PASAY BUS (likod ng MCDO) sign board (LIAN, NASUGBU BATANGAS) every hour ang biyahe starting from 6am 10pm
-METROPOINT -VAN (basement) sign board (BALAYAN BATANGAS)

Dumating ako sa PASAY bus terminal bandang 6:10am, kumain muna sa MCdonalds dahil hindi pa ako nag aagahan. Pag pasok ko sa bus terminal nakita ko na ang haba na ng pila at puno na ang papuntang NASUGBU,kaya naghintay muna kami sa susunod na TRIP May dumating nga kaso hanggang TAGAYTAY lang siya. Ilang minuto pa lang ang lumipas ay meron na ding Nasugbu na bus ang dumating. Baka nagtataka kayo kung bakit nasugbu ang sinakyan namin?. Kasi ang 1st destination namin ay CALERUEGA (CHURCH OF TRANSFIGURATION). Umalis ung bus saktong 7:00am. Habang bumibiyahe na at pagkalipas ng ilang oras ay biglang bumagsak ang malakas na ulan, kaya nag desisyon kami na ipagpaliban nalang muna namin ang pagpunta sa CALERUEGA.Nakapag bayad na kami na papuntang BRGY. BATULAO NASUGBU, ang pamasahe pala ay 111.00/person. Bumaba kami sa OLIVAREZ malapit sa McDo at sumakay ng TRICYCLE, mag jeep sana kami kaso nga malakas ang ulan. Ang Pamasahe sa Jeep 10.00 pesos papuntang picnic grove, 60 pesos naman kapag Tricycle. Pagdating namin sa hotel ay maganda naman ung ambiance at service, pero pagpasok ng hotel ay medyo naliitan ako, medyo mas okay pa ung sa HOTEL VEnIZ! sa BAGUIO compare sa VIEWPARK. Chineck ko kung may cable! kaso wala, pati DVD PLAYER na sinasabinila sa website wala din. Yun pala pang EXECUTIVE ROOMS lang daw un, na nagkakahalaga ng 3,000. What dah!?. So nagka idea na kayo kung how much ung room?, actually 1800 inclusive of breakfast na siya. haha. Ang room wala man lang dresser o kaya blower, ang CR malinis naman , kulang sa sabitan ng damit at extra towel. Sa Cabinet kulang ng Hanger. Sa room kulang ng extra table at walang baso. Pero sa CUSTOMER SERVICE okay! walang reklamo.

We have our rest, Dahil nga umulan instead na CALERUEGA ang 1st destination napunta kami sa PICNIC GROVE! Entrance 50 pesos. Sa Entrance maraming lalapit sayo at mag aalok ng horse back riding, I forgot how much the price was 250 pesos yata 30 minutes? I'm not sure ah. May lumapit na fixer ng kabayo para ma try ung horse back kaso hindi namin try kasi wala lang... Tapos may lumapit naman na fixer ata kung overnight daw, sabi namin meron na!..
Ikot muna kami, ang una kong nakita ung mga nag sasaranggola Tapos baba kami at nakita namin ang ZIP LINE and CABLE CAR. Ang Presyo CABLE CAR - 200/Head free ride kapag childred below 4ft
ZIPLINE - 200/HEAD 1way ride 300/head 2way ride..


Pagkatapos manood ng ZIPLINE, nagutom na kami. May nakita kaming parang resto ang name nya ay ALAMAT RESTAURANT. Dun kami kumain, affordable naman ang prize pero mahal pa din compare sa manila. Hehe. 150 pesos liempo and Kaldereta with chopsuey na ilang init na ata ung gulay at hindi pa kasama ang drinks. Nag order din kami ng garden vegetable salad! ang weird nga eh kasi may ONIONS. Dapat mag bubulalo kami kaso feeling ko hindi masarap dun. After kumain pumunta kami sa VIEW DECK CONFERENCE HALL, nandun malapit ung other side ng ZIPLINE. Mahangin dun at tanaw mo talaga ung TAal volcano. Meron dun stairs pababa papunta sa hanging bridge they call this ECO-TRAIL ADVENTURE tapos ung dulo nun papunta sa COTTAGE ng PICNIC GROVE (150-500 pesos). Nung nakarating na kami sa picnic grove, trail uli kami pataas, nag decide na kasi pumunta sa People's park in the sky. Nadaanan namin ung mga souvenir items, bili kami ng T-SHIRT worth 100pesos.


2nd Destination
People's Park in the sky - On the way to People's Park in the Sky galing picnic grove sumakay kami ng jeep sign board na people's park, ang pamasahe ay 7.00 pesos. Pag dating dun may entrance fee na 15 pesos. Maghanda kayo dahil medyo nakakapagod din para sa mga matatanda ang pag lakad dito pataas. Kasi nga above sea level na ito, mahirap makakuha ng OXYGEN. Madali kang hihingalin at mapagod. Ngunit mapapawi lahat ng pagod mo pagdating mo mismo sa itaas. Dalawang lugar ang pwede mong puntahan dito, isa yung PAlace mismo na hindi pa tapos at ung parang church or grotto lang. Pag pabalik naman, meron dung mga tricycle nakaabang at jeep pabalik ng olivarez.. Maganda dito pagmasdan ang sunset, kaso nun time pumunta kami, medyo makulimlim at malamig.


3rd Destination
(DAY 2) CALERUEGA CHURCH of TRANSFIGURATION - galing picnic grove sumakay kami ng tricycle papuntang OLIVAReZ. Puwede ring jeep, kaso that time bihira lang ung jeep kaya we decide na mag tricycle, ang pamasahe 60pesos uli. Bumaba kami dun sa JOLLIbeE malapit sa TAGAYTAY HOSPITAL para mag abang ng bus na ang sign board ay NASUGBU AIRCON BUS ang pamasahe ay 25/person. Galing OLIVAREZ bumaba kami sa BRGY. BATULAO NASUGBu harap siya ng EVERCREST subdivision, marami nang nakaabang na tricycle dun tapos sabiyin nyo lang na ibaba kayo sa CALERUEGA CHURCH. Take note! hindi pwedeng lakarin dahil 2KM! un. Best way talaga dito may kotse. Pagdating sa entrance, siyempre may entrance fee na 30/person tapos bibigyan kayo ng brochure ng mga wed ding packages and some other accommodations they have at wait pala! kelangan nyo kunin ung cell# ni manong driver,kasi walang transportation pabalik, ang way lang ay itext nyo ung driver na naghatid sa inyo para masundo kayo. Pag pasok mo parang may entrance uli parang lobby siya for me, dun mo makikita ung stairs na maganda tapos ung likod ng stairs ay kainan ng mga retreatans. After namin madaanan ung lobby, stairs uli paakyat. At doon mo na ma aaninagan ang CHurCH of TRANSFIGURATION. Ang ganda ng church pero ang maiksi ang aisle kasi maliit din ung church, pero kahit maliit lang siya, Napa ka solemn. First time ko to went here to attend 11am mass (11am lang mass nila every sunday)at PALM SUNDAY pa kaya maraming nagsimba dito, Napaiyak ako dito ah! nung kinakanta na ung LORD I OFFER MY LIFE TO YOU. Dito ko rin na pa bless ung necklace ko from ANTIPOLO CHURCH. After nung mass, libot libot muna tapos text si manong para magpasundo. Tapos sa harap ng evercrest wait ka uli ng bus papuntang olivarez.

4th Destination (RESTO)
RSM RESTAURANT - After going to CALERUEGA baba kami sa one destination place! dito located ung LESLIE'S, ANTONIO'S, STARBUCKS, MAX'S, CARLOS PIZZA, DENCIO'S, MILE-HI malapit din dito ung Rsm-LUTONG BAHAY. pati YELLOW CAB. Sa RSM kami napadpad, pagpasok namin dahil sa gusto kong ma experience ang overlooking! dun kami nag pa reserve ng seats at talagang over looking siya sa taal volcano. Ang pagkain dito medyo mahal! ang bulalo nila is worth 450.00php tapos ung amplaya na may hipon nsa 150, tapos order kami ice tea plus extra once rice. Ung bulalo nga hindi namin naubos pati ung ampalaya kaya we take it sa hotel para sa dinner.

5th Destination
(Day 3) PINK SISTER'S CONVENT - galing sa viewpark hotel sakay uli ng OLIVAREZ jeep. Pag baba sa metrobank sakay ka uli papuntang INDANG tapos tingin ka lang sa righ side na may nakalagay na this way to pink sister's convent right after ng TOUCH POINT SPA, baba ka dun at maglakad ka. Pwede rin siyang lakarin o kaya tricle. Ang ginawa namin nag triclce kami, ang pamasahe ay 30 pesos. Itong day three namin, pauwi na kami ng manila nito so nung pumunta kami ng PINK SISTER dala na namin ung bag namin. haha! feeling turista kami nun lalo naman ako! bag pack pa!. Nung nakita ko itonng simbahan na ito amaze me sa architecture nya. Pagpasok mo sa loob wow! kikilabutan talaga kayo, lalo na sa makikita nyo at maririnig nyo. Makikita mo ang mga madre na naka pink at hindi gumagalawa, nagdadasal lang sila sa pamamagitan ng kanta. Ung kanta naman nila walang wordings, ewan ko ah.. Kasi humming lang ang naririnig ko eh. After nun! my weird akong experience,while pointing my DIGICAM sa kanila, blurred pictures lumabas. Then try ko VIDEO, ang nangyari naman paalis na sila, kaya hindi ko rin nakuhanan. After nun, siyempre nagdasal ako tapos kumuha ako ng paper at isinulat ko ung mga prayers ko dun. Tapos ung paper ilalagay mo dun sa parang box, tapos ipag ppray nang mga nuns ung prayers mo.

After namin sa CHURCH naglibot muna kami at picture taking! bago tuluyan kaming umuwi papunta ng manila.

Going to tagaytay from Pasay
Mcdo PASAY to OLIVAREZ (BUS) 85/person
OLIVAREZ to PICNIC GROVE (JEEP) 10/person (TRICYCLE) - 60pesos
PICNIC GROVE to PEOPLE'S PARK (Jeep) 7.50/person

Going to Caleruega Church from Pasay
Mcdo PASAY to EVERCREST NASUGBU BUS AIRCON 111/person
EVERCREST to CALERUEGA TRICYCLE 50 on way and way back

Going to Caleruega church from Olivarez
Olivarez to EVERCREST NASUGBU BUS AIRCON 29/person
EVERCREST to CALERUEGA (TRICYCLE) 50 on way and way back

Going to Pink Sister's Convent from Pasay
Mcdo PASAY to OLIVAREZ (BUS) 85/person

Going to Tagaytay from Cubao
ALIMALL (ST. AGUSTIN BUS) to Tagaytay 85.00 pesos

FX/VAN at METROPOINT
-There's an FX at the basement of METROPOINT going to LIPA and BALAYAN BATANGAS 150/person

FX/VAN at STARMALL
-There's an FX at STARMALL going also to LIPA 150/person


Getting there by car:
If coming from Manila, take this route -- Roxas Boulevard --> Manila-Cavite Expressway (more popularly known as Coastal Road) --> Emilio Aguinaldo Highway.

The end of Emilio Aguinaldo Highway is the main rotunda of Tagaytay City, where the statue of Ninoy Aquino is erected and bounded by establishments such as BPI (Bank of the Philippine Islands) and 7-11.

Another option is to take the South Luzon Expressway (currently undergoing expansion) and exit at Sta. Rosa. Turn right upon leaving the Sta. Rosa toll and head straight to Tagaytay City. That road is the Sta. Rosa-Tagaytay National Road which ends at the rotunda near Tagaytay City Public Market. Turn right to get to the main rotunda.

Trip duration: about 1-1/2 to 2 hours

ENTRANCE RATE

-PICNIC GROVE 50/person
-CALERUEGA 30/person
-PEOPLE'S PARK 15/person


SOUVENIR
-TSHIRT 100/each white
-TSHIRT 120/each colored




RESTAURANTS/FOOD/CAFE
-RSM
-LESLIE'S
-SONYAS GARDEN
-ANTONIO'S
-Josephine Restaurant
-VIEW SITE RESTO
-DENcIO'S
-MAX'S
-STARBUCKS
-TERIYAKI BOY
-YELLOW CAB
-MILE-Hi
-BAG OF BEANS
-KITARO
-MUSHROOM BURGER
-T HOUSE
-Katrina's
-Mushroom Burger
-MASSIMO

ESTIMATED BUDGET IF DAY TOUR
-500-1000 pesos/person

ESTIMATED BUDGET IF 2 DAYS and 1 night (2 persons)
-HOTEL (1800-3000)
-FOOD (150-1000)
-Fare (100-600)
-Miscellaneous (1000)

THINGS TO BRING
-CHARGER
-DIGICAM
-DIGICAM CHARGER and extra battery
-TOOTH BRUSH AND TOOTH PASTE
-SACHET SHAMPOO and SOAP (overnight)
-JACKET
-UMBRELLA
-CEllphone



ZIPLINE RIDE

Weekday Rates
1 Way Ride = Php100 per person
2 Way Ride = Php200 per person

Weekend / Holiday Rates
1 Way Ride = Php200 per person
2 Way Ride = Php300 per person
__________________________________________________
CABLE CAR RIDE

Weekday Rates
1 Way Ride = Php100 per person
2 Way Ride = Php200 per person

Weekend Rates
1 Way Ride = Php200 per person
2 Way Ride = Php300 per person
__________________________________________________
SOUVENIR PHOTO

5"x7" picture with Frame = Php100
2 copies 5"x7" picture = Php100
__________________________________________________
SOUVENIR VIDEO

Zipline DVD Coverage 2 way from Harnessing to Landing = Php200
Cable Car DVD Video from start to finish of ride = Php300

TIPS!
-Magdasal muna bago bumiyahe

Wednesday, April 08, 2009

Tagaytay preview...

Kuwento ko lang ng maiksi. Pumunta ako sa TAGAYTAY noong sabado, linggo at lunes.. Wala lang.. hahahah! kasi gusto ko puntahan ung PINK SISTER'S CONVENT, CALERUEGA CHURCH OF TRANSFIGURATION, PICNIC GROVE at PEOPLE'S PARK IN THE SKY. Ayun! can you imagine?! lahat yun commute ah! walang car, hahahaha.. Mas feel ko ung adventure kapag commute at malalaman mo talaga ung place pasikot sikot man siya..

Ewan ko ba, basta captivated ako ng mga church this year!

Stay tuned! ikukuwento ko lahat ng yan this month!. Inihahanda ko pa kasi siya, or gagawa ako ng blog just for the tagaytay trip, gusto ko kasi madami makuha information dun...
Yun lang po for now!.

HAVE GREAT HOLLY WEEK!. Huwag kalimutan mag nilay nilay.

Friday, April 03, 2009

Iron Man 2 in April 2010

Scoop news!

Emboldened by the recent success of the first Iron Man directed by Jon Favreau and starring
Robert Downey Jr. as Tony Stark / Iron Man, Marvel has given its green light to a second Iron Man movie (there are even talks about making a third movie).


Iron Man should reprise most of the initial cast, Robert Downey Jr., Terrence Howard (update: replaced by Don Cheadle) and Gwyneth Paltrow, under the direction of Jon Favreau. The Iron Man sequel is slated for an release at the end of April 2010.

No official synopsis has been unveiled yet. But some tracks are likely for Iron Man 2:

- a first job with Nick Fury (Samuel L. Jackson) in a struggle against some evil mastermind, before getting more involved in the Avengers initiative in an other movie: indeed, if you waited for the end credits of Iron Man you may have seen Nick Fury making an offer to Iron Man.

- the Mandarin: he is Iron Man's nemesis and the leader of Ten Rings, the secret organization we've already had a glimpse of in the first Iron Movie (The Afghan terrorist was indeed wearing the ring of the evil group).

- Demon in a bottle: in the comic book Tony Stark vainly strives to cope with his guiltness of selling weapons in the past and is depressed after loosing Pepper Potts who fell in love with an other man. So Iron Man 2 could dwell on this darker side of Marvel's superhero.But it may not be attractive enough for the marketing team... Besides Jon Favreau would have asserted that such a theme has already been done in Hancock.

- War Machine: In Iron Man 2, Don Cheadle (who is replacing Terrence Howard because the guy was to greedy for Marvel), in the role of Jim Rhodes Tony Stark's friend and pilot, may get a wider role as War Machine, giving a hand to a temporarily weakened Iron Man.

Mostly speculations for now but details about the plot of Iron Man 2 should leak out in a not too distant future. But maybe you have a suggestion to Marvel and Jon Favreau about Iron Man 2?
:)

(http://iron-man-2-trailer.blogspot.com/)