Thursday, January 14, 2010

NANG MATAPOS (jingle song for mcdo)

Ganito ang kwento, meron ako isang kantang matagal ng nakatambak . Nagawa ko ito noong 2007 dahil na challenge ako sa sinabi ni Laureen (isang kaibigan na ngayon ay may pamilya na) sabi nya kasi sa akin bakit hindi daw ako gumawa ng song jingle ng kahit anong food chain?. Then sabi ko sige susubukan ko, Kaya habang naglalaba ako ay nakaisip ako ng melody at lagi ko na siyang kinakanta, pagkatapos maglaba ay kumuha kagad ako ng papel para isulat ang lyrics na mga nasa isip ko. Ni record namin ito ni Laureen at tinugtog sa isang party, kala ko iyon na ang simula ng lahat pero na disband ang banda. Kaya para akong napang hinaan ng loob na wag nalang ituloy at iparinig sa iba ang jingle.

Naghanap hanap ako ng may mga contact sa MCDO o kung saan ba pwede ipasa ang compose ko na jingle. Pero parang wala akong oras na puntahan ito.

2009, Shin (Rovina Ferrer)- isang kaibigan na nakilala ko sa Digbyholics. Magaling siya kumanta at talagang may talento. Nag propose ako sa kanya kung pwede ba na siya ang kumanta ng compose ko, ayun! in one day na pinarinig ko sa kanya ang tono ng kanta ay nakuha nya kagad ito!..

Below is ung Draft ng SONG...



The song is copyrighted and owned by Jefford Secondes..

No comments:

Post a Comment