Monday, February 01, 2010

HS REUNION

Sa wakas ay nangyari na rin ang reunion na maraming nagsasabi ay baka drawing lang. Salamat sa nag post ng class picture at maraming nag comment, kundi dahil sa mga nag comment ay hindi ako maglalakas loob na organize ang event na ito..

Kami ang HS Batch 2000 graduates ng NCBA FAIRVIEW, sa pagkaka alala ko ay lima o anim kaming section noon.

Inorganize ko ito dahil matagal na din kami hindi nagkikita kita, halos naman sa amin lahat magkakakilala noon kaya ginawa ko na open for all basta BATCH 2000 graduates ng NCBA Fairview ang kelangan pumunta.

January 30, 2010, ang call time ay 6PM. Umalis ako ng bahay bandang 5:45pm para kitain ang dati kong classmate na si Joanna Sayson sa SM Fairview. Ang usapan ay 6pm kami magkikita ngunit 6:50 siya nag out sa office nya sa SM. Dahil kami ay late na kaya nag desisyon kaming mag cab nalang. Pag dating namin sa Cubao Expo, Genra Bar ay wala pa palang kahit isang anino ng classmate namin ang naroon kaya naghintay pa kami.

Tinawagan ko si Sharina Digandang pero nasa bahay pa daw siya!.. haha. . Ang iba ay papunta pa lang. Sumunod na dumating ay sina Sally Dayag at Ruth Cabacaba, dahil na rin sa kahihintay ay nagutom na kami at nagpasya na kaming kumain na. Habang kami ay kumakain ay dumating si Rommel Fermo, Frederick Catamora, Joy Rolad Calulo at Davin Nadal. Hayz.. at least nabawasan ang pangamba namin sa ambagan. Tinawagan ko ulit si Sharina para mag confirm kung pupunta ba sila talaga, at nasa Quezon Ave. na daw siya at kasama nya na din si Sesnet.

Nang mag 11pm na ay tsaka nagdatingan ang iba pa, Sila Brin, Jessie, Prince, Ryan at Jenner.
Sumunod na din na nagdatingan sila Sharina at Sesnet. Over all ay nasa 15 na kami nun! meron na ring nag uwian ng maaga gaya nila Joy at Rosalia. Pagkahatid namin kay Rosalia ay nakita naman namin si Shayne Custodio na inihatid nang kanyang kaibigan?.. lol!..

Habang nagkakasiyahan kami ay may tumawag kay sharina, Si Gladys pala un. Papunta na rin pala si Gladys at naliligaw siya, kaya binigay skin ni sharina ung fone para kausapin siya at sinundo nalang namin siya ni Frederick sa KFC.

Picture taking, kulitan, kantahan, inuman, kainan ng pulutan, at walang sawang kwentuhan.
Hindi namin namamalayan ang oras na mag aalas dos na pala ng madaling araw!. Alas dos kasi ang cutoff time ng bar. Pero pinagbigyan pa kami mga 30minutes ni Ms Charise.

Pagkatapos namin ay dumiretso pa kami sa Gerardo bar para ipagpatuloy ang kasiyahan!! haha..

Promise ang saya! pakiramdam ko tuloy nung gabi na yon ay HIGH SCHOOL ulit ako. haha!. Ung mga dating hindi ko nakakausap ay nakausap ko na, ung mga dating hindi ko ka close ay parang close na kami.. hehe.. Astig no?.

Basta ang galing nang gabing iyon. Salamat sa mga nagpunta! hanggang sa muling pagkikita.



No comments:

Post a Comment