Monday, February 22, 2010

Beautiful Thursday @ Mstudio

Feb. 25 8pm EST
Feb. 26 9am Philippines

Beautiful Thursday Feb. 25 7pm No Cover

About the Director of Beautiful Jesus
Janice Y. Perez holds a Bachelors degree in Accountancy from University of San Carlos in Cebu, Philippines. She has worked in Accounting in the private and non-profit sectors for the last seven years in New York. In 2006, she bought a consumer-ready DV camera and shot a short documentary in Cebu without any prior knowhow of filmmaking. Later that year, she completed a 16mm Filmmaking course at the New York Film Academy. She has worked with the Tribeca Int’l Film Festival, the NY Latino Film Festival, the South Bronx Film Festival, and many others, and at the IFP Film Week Programs from 2006-2009. Along with 3 good friends, she founded the IndioBravo Film Foundation, the pioneering Filipino film festival in New York.

In November 2008, she completed shooting a short film project she co-wrote with her partner in New York, and in February of 2009, she shot in Cebu her first directorial short film project, “Sabongero (Cockfighter),” which became an official entry to the Short Film Corner of the Festival de Cannes 2009. In December 2009, she directed her first official music video, “With Whom,” Kitchie Nadal’s soulful, unreleased track. It was their first time to collaborate.

Janice’s most compelling vision is to create a feature-length narrative based on the conquest of Ferdinand Magellan in the Philippines in 1521, her screenplay of which was a finalist in the Independent Feature Project’s Emerging Narrative program for 2008.

Janice and Kitchie

Tuesday, February 16, 2010

way back into love

LOVE o PAGMAMAHAL - ang lawak ng kahulugan nito ay iba-iba sa mga tao. Pagmamahal sa kamag-anak, kapatid, magulang, kaibigan, estranghero, asawa, kasintahan at sa Diyos.

Sa buhay siguro ang masasabi kong napa kumplikado o ginagawa nating kumplikado ay ang pagmamahal sa asawa at sa kasintahan. Hindi ko pa nararanasan ang may asawa kasi ni kasintahan nga wala ako ngayon, haha!. Pero kung uusisain mo dalawa lang naman ang kalalagayan mo eh, a sad ending and happy ending. Tanong ko sayo, nasaang estado ka ngayon ng PAG-IBIG nyo sa isa't-isa? masaya ka ba?, kung oo marahil nasa umpisa pa lang kayo ng pagmamahalan nyo sa relasyon nyo kung baga sa umpisa lang daw masaya. Pero kung matagal na kayo at masaya ka pa din, binabati kita kapatid dahil true love nga siguro yan.

Balikan natin ang nakaraan, umibig ako sa maling oras at pagkakataon. Isipin nyo na ung pinaka kumplikado, ano naisip nyo na ba?. Kung ano man ang nasa isip nyo ay yun na un. That time ang alam ko mahal namin ang isa't-isa, masaya kami kung magkasama. Basta ang mahalaga lang sa akin nun ay ang kaligayahan ko at sa kanya. Nandyan ung bumubuo kayo ng plano para sa future nyo at sa present. Lagi ko siyang na mmiss, naiisip, lagi siya nalang , at dumating sa point na sa kanya na umiikot ang mundo ko. Nalulungkot ako kung hindi ko siya ka text, kausap at kasama.

Pagkalipas ng ilang buwan ay napapansin ko na parang nag-iiba siya, lahat ng dating nakagawian ay unti unting nawawala na, at dahil mahal ko siya, nauunawaan ko ang mga rason nya kung bakit ganun. Para akong kandilang nauupos nun, dahil nasasaktan ako sa mga nagaganap sa aming relasyon. Pero dahil ako ay naniniwala at may tiwala sa pag-ibig naming dalawa ay umasa ako na magiging maayos din ang lahat. Subalit habang tumatagal ay lalo lang nagiging kumplikado ang sitwasyon, ilang buwan din un na wala ako lagi sa sarili, iiyak sa isang tabi. Dahil sa pag-ibig nagawa kong saktan ang sarili ko at gawin ang mga bagay na katangahan, pinost ko pa sa blog ko ung pag iyak iyak ko! haha, nakakatawang isipin na nagawa ko un.

Dumating ang time na we decided na maging friends nalang kami bandang 2009 december last year. Wala akong pinagsisisihan na minahal ko siya, dahil kahit papano ay pinunan nya ako para maging kumpleto, naging masaya naman ako kahit pa sabihin natin na mas marami akong ginawa sa relasyon namin like efforts, sacrifices,. hehe.. . Hindi ako nagsisisi dahil desisyon ko yun.

Tanggap ko na magkaibigan kami at mas makakabuti iyon.

Sabi nila kapag nagmahal ka raw eh dapat magtira ka sa sarili mo at hindi sobra sobra.. Pero ganun kasi ako magmahal eh! as in TODO na iTo!. parang wala ng bukas.. hehe, kung masaktan eh di masaktan! ganun lang iyon. Pagkabagsak mo eh dapat matuto kang bumangon.

Sa ngayon after all what she did to me, sa mga pain na naransan ko. THANK YOU!.. I already forgive her, pinaubaya ko na kay God ang lahat! hehe.. ;). I'm happy right now being single, LIFE GOES ON! hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo just for me. Kung may dumating man, ay handa akong magmahal muli!.

All I wanna to is find a WAY BACK INTO LOVE, but not to rush things.

YOU MAKE ME SMILE BUT YOU ARE COMPLETELY UNAWARE!




Monday, February 08, 2010

Monday, February 01, 2010

HS REUNION

Sa wakas ay nangyari na rin ang reunion na maraming nagsasabi ay baka drawing lang. Salamat sa nag post ng class picture at maraming nag comment, kundi dahil sa mga nag comment ay hindi ako maglalakas loob na organize ang event na ito..

Kami ang HS Batch 2000 graduates ng NCBA FAIRVIEW, sa pagkaka alala ko ay lima o anim kaming section noon.

Inorganize ko ito dahil matagal na din kami hindi nagkikita kita, halos naman sa amin lahat magkakakilala noon kaya ginawa ko na open for all basta BATCH 2000 graduates ng NCBA Fairview ang kelangan pumunta.

January 30, 2010, ang call time ay 6PM. Umalis ako ng bahay bandang 5:45pm para kitain ang dati kong classmate na si Joanna Sayson sa SM Fairview. Ang usapan ay 6pm kami magkikita ngunit 6:50 siya nag out sa office nya sa SM. Dahil kami ay late na kaya nag desisyon kaming mag cab nalang. Pag dating namin sa Cubao Expo, Genra Bar ay wala pa palang kahit isang anino ng classmate namin ang naroon kaya naghintay pa kami.

Tinawagan ko si Sharina Digandang pero nasa bahay pa daw siya!.. haha. . Ang iba ay papunta pa lang. Sumunod na dumating ay sina Sally Dayag at Ruth Cabacaba, dahil na rin sa kahihintay ay nagutom na kami at nagpasya na kaming kumain na. Habang kami ay kumakain ay dumating si Rommel Fermo, Frederick Catamora, Joy Rolad Calulo at Davin Nadal. Hayz.. at least nabawasan ang pangamba namin sa ambagan. Tinawagan ko ulit si Sharina para mag confirm kung pupunta ba sila talaga, at nasa Quezon Ave. na daw siya at kasama nya na din si Sesnet.

Nang mag 11pm na ay tsaka nagdatingan ang iba pa, Sila Brin, Jessie, Prince, Ryan at Jenner.
Sumunod na din na nagdatingan sila Sharina at Sesnet. Over all ay nasa 15 na kami nun! meron na ring nag uwian ng maaga gaya nila Joy at Rosalia. Pagkahatid namin kay Rosalia ay nakita naman namin si Shayne Custodio na inihatid nang kanyang kaibigan?.. lol!..

Habang nagkakasiyahan kami ay may tumawag kay sharina, Si Gladys pala un. Papunta na rin pala si Gladys at naliligaw siya, kaya binigay skin ni sharina ung fone para kausapin siya at sinundo nalang namin siya ni Frederick sa KFC.

Picture taking, kulitan, kantahan, inuman, kainan ng pulutan, at walang sawang kwentuhan.
Hindi namin namamalayan ang oras na mag aalas dos na pala ng madaling araw!. Alas dos kasi ang cutoff time ng bar. Pero pinagbigyan pa kami mga 30minutes ni Ms Charise.

Pagkatapos namin ay dumiretso pa kami sa Gerardo bar para ipagpatuloy ang kasiyahan!! haha..

Promise ang saya! pakiramdam ko tuloy nung gabi na yon ay HIGH SCHOOL ulit ako. haha!. Ung mga dating hindi ko nakakausap ay nakausap ko na, ung mga dating hindi ko ka close ay parang close na kami.. hehe.. Astig no?.

Basta ang galing nang gabing iyon. Salamat sa mga nagpunta! hanggang sa muling pagkikita.