Tuesday, September 21, 2010

Birthday ko lang naman

Thursday, September 16, 2010

Minsan nagbiro sayo ang tadhana..

Kamusta mga readers? haha. Meron pa bang mga readers dito?. Kay pareng Marvz at Ate Giselle! na matagal ng nag-aabang sa susunod kong entry.

Ikukuwento ko sa inyo ngayon ang kalunos lunos na naranasan ko noong aking kaarawan Setyembre 11,2010.

Kung babasahin ninyo ang nasa babang artikulo ay malamang aakalain nyo na masaya ang aking buhay pag-ibig, puno ng ka asukalan ang aking kwento sa Mt. Samat hanggang sa unti unting naging itlog maalat ang lahat hanggang sa mauwi sa pang bbusted, pang iiwan sa ere nang aking iniirog na babae at nangyari ito noong
Agosto 4, 2010. Sa petsang ito ako binusted ng aking nililigawan sa pamamagitan ng facebook, kasalukuyan akong nasa Sta. Rosa Laguna noon nang ako ay nagulat sa kanyang mga mensahe, aaminin ko nalungkot at nasaktan ako pero ini-expect ko na din ang mangyayari dahil sa mga ikinikolos nya bago mang yari ang pang bbusted.

Agosto 7, 2010
- Nag-usap kami ng matiwasay na kami ay magiging mabuting mag-kaibigan na lamang at payag naman ako dun. Dahil ako ay umaasa pa din na sa pagiging magkaibigan naming ay mas makikilala ko pa siya ng lubos. Subalit matapos ang Agosto 7 ay mas lumala ang mga pangyayari. Nag ttext pa din ako sa kanya pero hindi na madalas, walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya ganun pa din ang pagmamahal ko at sa bawat text / miscall na hindi siya nag rereply ay tinik sa dibdib na dulot sa akin ay pighati. Sa katunayan nga nag SMART pa ako para lang sa kanya pero wala pa din.

Agosto 11, 2010 – Isang buwan bago ako mag birthday I came up with a plan, tutal naman medyo nakakausap ko ang kapatid niyang si Cath. “Ang plano ay surpresahin si J..L”. I called Cath na kunyari ay may friend siya na my party at gaganapin iyon sa beach at iinvite niya si J.L.. then after a week before my birthday I’ll send invitation sa bahay nila na invited si J.L. and Cath sa birthday ko sa SUNSET COVE Morong Bataan. So ang mangyayari nun, ma cconfuse si J.L. kung saan ba siya sasama sa BIRTHDAY ko o sa FRIEND ng ate niya? Ang hindi niya alam kahit sumama siya sa friend niya ay ang bagsak pa din ay sa birthday ko. I did that kasi gusto ko pumunta talaga siya sa birthday ko at para malaman ko rin kung ano pipiliin niya, kasi that time umaasa pa ako… Sa planong ito kausap ko din ang isa niyang kapatid na si Jo at sang ayon naman sila sa plano ko at nangakong pupunta sila.

Habang lumalapit ang araw ng aking kaarawan ay lagi kong tinitext ang dalawang niyang ate!, All set ang lahat sa Iterinary ng lahat na gagawin, kakailanganin, kung sino ang mga sasama, maging sa facebook ay lagi ko silang pinapaalalahanan pati sa pag ddown payment ko sa SUNSET COVE RESORT.

September 11, 2010 – Birthday ko na! walo kaming ini-expect ko na pupunta. Pagbukas ko ng isa kong SMART Cellfone ay nagulantang ako sa nabasa kong text “GudEve jaCkie2..ahm tel q lang hndi kme mka2punta 2m, kc my seminar cla ate q.. xenxa nah ah hapy bday nah lang, yngatz na lng kau 2m.
Ang date ay Sept. 10, 22:50pm.

Matapos kong mabasa ang text ay kakarating lang ni Ritchel nun at pinabasa ko sa kanya pati kay Prince.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa mga nangyari. Pero nalungkot ako kasi ung babayaran eh ang mahal! Hehe joke! Actually naka reserve na ung 8 persons ung tatlo nag backout na at ung isa kong friend, so ang natira kaming apat nalang, ako, prince, chel at si randy na nag aabang sa balanga bataan.

Dali dali akong tumawag kay Randy para sabihin ang balita para may maisama siya na kakilala niya!. Tinawagan niya sa TINA, ako naman I called LEA and texted ZARENE. Pero dahil sa biglaan ay hindi rin sila sumama. Kaya nag decide kami na kaming apat nalang!.

Habang binabagtas ng BUS ang daraanan papuntang Bataan ay nag uupdate naman ako TWITTER at FACEBOOK account ko! Nagpapasalamat ako sa mga bumabati sa akin!. Sa totoo lang dahil sa kanila ay nawala ang pagkabanas ko sa mga nangyari.

Nang Makita ko na ang Krus ng Mt. Samat ay biglang bumalik lahat nang matatamis na ala-ala na kasama si J.L.. Pagdating ng Bataan Transport Terminal ay doon kami sinundo ni Randy. Kinuwento ko ang pangyayari at may nag suggest na bakit hindi nalang naming puntahan si J.L. sa bahay nila!. Pumayag nalang ako kahit alam ko na ang kahihinatnan.

Pagdating ng Limay ay naligaw pa kami papunta sa bahay ni J.L.. hanggang sa matuntun namin ito. Pagbaba ng Van ay huminga ako ng malalim nilakasan ang loob, dala ang kapal ng mukha para hindi mahiya, sabay banggit sa sarili na so HELP ME GOD. Sinuportahan ako ni Ritchel at sumama siya sa akin papunta sa bahay ni J.L.. Pagdating namin dun ay parang gulat na gulat sila sa aming pagdating. . Hindi ako makapaniwala na para bagang panaginip lang na nandoon ako.

Pagdating namin ay tulog pa si J.L. at ginising lang ito. Pagpasok namin sa loob Iba ang pakiramdam ko parang nanlalabo ang mga pandinig at paningin ko . At sa mga oras na iyon ay wala na akong matandaan sa mga nangyari ang natatandaan ko lang ay ng tanungin ko si J.L. kung sasama ba siya. Ang nagging resulta nalang ay hindi, dahil sa pagkakaintindi ko hindi siya papayagan kung walang sasama sa ate niya. Hinikayat din ni Chel si J.L. kaso wala rin siyang nagawa. Hindi na kami nagtagal pa, dahil alam kong wala din mangyayari kaya niyaya ko na si chel na umalis. Nagpaalam kami sa kanila, at paglabas namin nang pinto ay may narinig akong tumatak sa isipan ko “Kawawa naman yun, birthday ng tao.”

Alam nyo naging pakiramdam ko? Nalungkot ako, nasaktan ako, Naubos ang lahat ng lakas ko, Pakiramdam ko napahiya ako sa kaibigan kong si chel., Parang Binusted na din ako sa pangalawang pagkakataon,. Na ang tanga tanga ko. Totoo naman ang tanga ko!. Bakit kasi hindi pa ako tumigil noon pa noong binusted ako!.
Pagsakay sa VAN. Medyo naapektuhan at frustrated si Chel sa mga nangyari. Biglang singit nalang si RANDY na HAPPY BIRTHDAY!! At doon nag-iba ang mga emotions namin..

Inilahad ko ang pangyayaring ito para sa mga kaibigan kong hindi ko naaya sa MORONG BATAAN. Alam nyo na ang dahilan kung bakit hindi ko kayo na invite! Dahil naka reserve na ung walong tao, hindi ko naman akalain na mag bback out ung apat. Kaya pasensiya na kayo. Hehe. Salamat kay chel, rands at prince di nyo ko iniwan sa ere!

Kung sumama lang sana siya. Magiging masayang masaya ako. At doon ko sana ibibigay ung compose kong song sa kanya.:c

Wala naman dapat sisihin sa mga pangyayari dahil ako ang gumagawa ng sarili kong desisyon sa buhay, at alam kong may dahilan ang DIYOS kung bakit ganito lagi nalang nasasakatan. Nagpapasalamat ako sayo Jackie Labrador tinuruan mo ako maramdaman ang “UNCODITIONAL LOVE”. Buti nalang pumunta ako sa inyo at sa pangyayaring iyon ay binigyan ng Diyos ng tuldok ang aking katanungan, nagising na ako sa katotohanan na lahat ng sinabi mo sa akin buha’t ng tayo ay magkakilala ay pawang hindi na talaga mangyayari. Kaya siguro ako umasa dahil naniwala ako sa mga binitawan mong salita at dahil may natitira pa akong pagmamahal sayo kaya ako umasa pa. Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita at hindi ako nagkulang nang pagpaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Hindi ko man mabura sa puso’t isipan ko ang iniwan mong ala-ala. Alam kong merong mas hihigit pa na makakapagtabon nang ala-alang idinulot mo sa akin.

Minsan nagbiro sayo ang tadhana. Hindi ko inakala na ang nakakapagpasaya sa akin noon ay siya rin palang makakasakit sa akin ngayon.


Pasencya na if may typo error!.. I’m lazy to do proof read!