Friday, February 17, 2012

The good news + Avril Lavigne

Isang normal na umaga lang naman ang palagi kong nakagisnan, ung usual lang na gigising papasok sa trabaho at diretso uwi pagkatapos. Ngunit ang araw na ito ay kakaiba, pagdating ko ng opisina ay may binalita sa akin ang boss ko na wag na daw ako bumili ng pagkain para sa pananghalian ko, dahil sagot na nang big boss ang pagkain namin!. Sabi ko, wow thanks God good news maka menos sa gastos. Nabanggit din ng boss ko about ung sa pagdating ni Avril Lavigne dito, napa buntong hininga ako kasi diko siya mapapanood.:(

Paglipas ng ilang oras nag check ako ng facebook sandali, nakita ko message ni Ayes at ito ang aming usapan..


Ayes
jeff may idea ka ba san ung East Tower PSE Center Exchange Road, Ortigas Center,
Pasig City
Jeff
anong floor?
punta ka ng megamall, sa likod nun may sakayan ng mga FX ang sign board is TEKTITE
.. un ung PSE CENTER..
titigil un sa harap
Ayes
punta tayo!
Jeff
bakit anoo meron?
Ayes
nanalo ako avril tix..
i won pair tickets
Jeff
OMG!? di nga.. wahhh
Ayes
e isasama ko sana si mama kaso di sya pwede today
yup!
Jeff
promise?. para sa atin talaga yan no?.. kasi taga EAST TOWER Lang ako d2 kaya office ko
haha
Ayes
need iclaim ung tickets ng mga 2pm
Jeff
sa BLDG. na yan na sinabi mo
Ayes
oh? paclaim ko kaya sayo? gagawa ako letter and scan ng id tas send ko sayo
Jeff
anong floor muna yan..sige gawa ka
Ayes
Media Contacts Philippines, East Tower PSE Center Exchange Road, Ortigas
Center, 


The  Lower Box Tickets
Jeff
awww.. katabi pa ng ka sister company namin
sige gawa ka na now print ko d2
tapos siguro, inform mo na din na may mag ppick up na ganito ung name .. nanlamig
ako sa balita mo ayes..
grabe.. ang swerte mo sa ganyan

Food
Habang hinihintay ang ala una para kunin ang ticket ay dumating na ang libreng lunch. Haha! Shakey's platter.:) Pagkatapos kumain ay umakyat nko para kunin ang ticket dala dala ang authorization letter, photo copy ng email at i.d.. Pagdating sa media contacts ay hinanap ko si Angelica at binigay sa akin ang LOWER BOX two complimentary tickets!, worth 5000+
isa nun sa ticketnet!. Nung nalaman ko presyo, sabi ko sa isip ko "Thanks God" at ako naisip ni Ayes na isama. :). Alam din kasi ni Ayes na favorite ko si Avril Lavigne. :)

Ala sais ng hapon kami nagkita sa Gateway, at ibinalita kaagad niya sa akin na pumasa siya sa nursing board exam!. Ang saya ko nun, at lalo na siya siyempre. :)


Pagdating sa Araneta Coliseum, nakita namin sa entrance sila Ate Jhosan kasama Pamilya nya. Hehe.. Bumibili sila ng ilang memorabilya ni Avril at ako naman ay bumili ng concert dvd. Nag ask ako, wala bang kasamang poster ito? tapos hinihingi ko sa ale ung poster, sabi naman niya sige ibibigay ko sayo pagkatapos ng concert. ;)
Pagpasok namin sa LOWER BOX masasabi kong yun ang pinaka the best area of seats na pede ka manood. Hindi malapit at hindi rin gaanong malayo.

Naunang kumanta ang opening act na SOMEDAY DREAM pagkatapos ay si AVRIL LAVIGNE NA!.
Kinilabutan ako sa hiyawan, sigawan ng mga tao habang palabas siya ng entablado. Ang una niyang kinanta ay BLACK STAR at hawak hawak nya ang mint green na starlight stick!

Avril singing... Photo from Ayes

SET LIST


1. Black Star
2. What The Hell
3. Sk8er Boi
4. He Wasn't
5. I Can Do Better
6. I Always Get What I Want (+Band Jam)
7. Alice
8. When You're Gone
9. Wish You Where Here
10. Instrumental Medley (Unwanted / Freak Out / Losing Grip )
11. Girlfriend
12. Airplanes
13. My Happy Ending
14. Don't Tell Me
15. Smile
16. I'm With You
17. What The Hell (acapella)
18. I Love You
19. Complicated


>


Lahat ng hit songs niya ay mapapaindak ka. Mapa sk8r boy, What the hell, Girlfriend, at ang birit niyang Alice in wonderland na music soundtrack. Daming gimik ni Avril sa concert nyang to! My Happy Ending featuring Airplane... The up and down thing... The kembot thing... The encore... The cartwheel.... 
Sayang nga at hindi ko dala ang digicam ko, kasi nga biglaan. Well hindi ko talaga ito inaasahang mangyari, dati pangarap ko lang na mapanood siya ng live!. Sa tuwing makikita ko ang malaki niyang billboard sa Ortigas ay gusto ko talaga siya panoorin.

Congrats kay Ayes dahil nakapasa siya sa exam at nanalo pa ng Avril tickets. Sakin naman ang libreng food at surprise ticket.. Whew! dream come true for me.. Thank you GOD talaga and sayo AYES for sharing your blessings. :)

*Pagkatapos ng concert ay nakuha ko na ung poster na promise ni ate! :)
*The best concert niya ung ngayon, nabasa ko sa mga blogs!


No comments:

Post a Comment