Tuesday, July 17, 2012

DH Hangout with Keiko and Marié Digby

Dati rati pangarap ko lang makita si Marié Digby. Nangyari ang pinapangako niya na pagdating dito ay kikitain nya kami ni Ayes. Ang sabi pa nga niya dati ice cream lang daw, pero higit pa sa inaasahan naming dalawa ang nangyari. Lunch date sa hotel restaurant na tinutuluyan niya kami inimbita para kumain, at isinama namin si Jaymie and Roxanne. Gustuhin man namin ni Ayes isama ang iba pang kakakilala lang namin na gusto din si Marie ay di puwede dahil Nung panahon na iyon ay dalawa lang ang puwede naming isama. Paglipas ng panahon ay parami ng parami ang kaibigan namin na humahanga din kay Marie, nabuo ang digybholics. Last year 2011 ay halos nandito siya, nangyari ang advance bday celebration niya, ang flores de mayo, naki celebrate din siya sa amin ng dhph anniversary, mall tours, happy lemon at ang DH YACHT PARTY.. 
 Meeting Marie Digby for the 1st time <-click here
The 1st ever, exclusive Marié Digby lunch date. August 2, 2009

Digbyholics PH 2nd Year Anniversary 2011

Marié Digby's Bday bash!
After six months of not seeing her, July 11 ay bumalik ulit siya dito sa Pilipinas para sa timpalak na Philpop music Festival. Kakantahin nya kasi ung song na 3am na isinulat naman ni Keiko Necessario. July 15 kasama pa ang ilang digbyholics na sila (Tere, Jude, Mike, Chelly, Rox, Kara, Jown, Steph, Gretch, Ayes at ako). Sa Resorts world nangyari ang hindi inaasahang Lunch date with her. Sa New Orleans resto kami kumain, at pagdating ni Marie ay siya lang mag-isa. Nakakapag taka kasi lagi siyang may kasama dati. Doon namin binigay ang Photo book na pinagawa ni Jude, pinakain din namin siya ng Jollibee Spaghetti at pinapanood ng random dh videos, Say it again drunk version. Ang akala namin matagal na ang dalawang oras na maukakasama namin siya, pero humigit pa dun!. Limang oras namin siyang naka kwentuhan at kulitan. After namin sa New Orleans ay nag aya naman siya magkape sa UCC. Ang hindi ko malilimutan dun eh ung binayaran nya ang bill namin sa UCC, kami dapat magbabayad kaso hindi na naka porma si Jown. Natakot yata kay Marie. Hehe..

Paki panood nalang ung video kung anong pinag gagawa namin..

No comments:

Post a Comment